Default Thumbnail

Paolo disappointed  sa ‘X’ rating ng bagong pelikula

September 7, 2024 Vinia Vivar 103 views

Disappointed daw si Paolo Contis sa “X” rating na ibinigay ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pinagbibidahan niyang pelikula na “Dear Satan.”

Ayon sa Instagram post ng manager ni Paolo na si Lolit Solis, hindi inakala ng aktor na magiging kontrobersyal ang pelikula.

“Talagang maganda ang mood ni Paolo Contis kahit pa nga disappointed siya sa resulta ng naging reception ng MTRCB sa Dear Santa niya na dating Dear Satan.

“Hindi niya akalain na ang feeling niya na nakagawa siya ng isang magandang film ay magiging controversial. Akala pa naman niya magiging smooth sailing dahil nga sa concept nito na isang mabait na Satan ang kanyang papel,” saad ng talent manager.

Nanghihinayang si ’Nay Lolit sa husay ni Paolo bilang aktor at sana raw ay mabigyan ito ng drama series sa GMA-7.

“Isang napakahusay na actor ni Paolo Contis kaya sayang nga na hindi nabibigyan ng mga roles sa mga series na ma drama. Very happy sa Bubble Gum si Paolo pero sana rin mabigyan siya ng mga dramatic roles para maipakita niya ang varied talent niya,” sey ni ’Nay Lolit.

Pinuri rin niya ang attitude ni Paolo na tahimik lang at very patient.

“Sayang naman pero sa isang talent na tulad ni Paolo Contis na very confident sa alam niyang puwede niyang gawin, no problem. Hindi maapektuhan ang kanyang confidence sa mga minor lapses ng iba. Basta para sa kanya, alam niya what he can offer, no problem.

“Hanga nga ako sa pagiging very patient and quiet ni Paolo Contis sa mga nagaganap sa kanyang career. Iyon bang ok lang bahala kayo. So far basta happy siya, ok lang,” papuri ng manager kay Paolo.

ARIEL BIKTIMA NG POSER

Pati ang singer na si Ariel Rivera ay nabiktima na rin ng mga poser sa social media na kinukuha ang identity ng mga artista para makapanloko.

Ipinost ng mister ni Gelli de Belen sa Instagram ang screenshot ng fake account sa Facebook at nilinaw niya na hindi ito sa kanya.

“Mga kaibigan, hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account! They have been trying to scam people for money. Please let them know that they have been exposed,” bungad ni Ariel.

Ang nakakaloka pa ay nag-message raw ang fake account na ito sa kanyang kaibigan sa Norway at mabuti na lang ay hindi ito naniwala agad at in-inform muna si Gelli.

“Fortunately for me, they directly messaged a friend of mine from Oslo, Norway, in an effort to get money from them, but my friend immediately informed my wife,” pagbabahagi niya.

“It’s unfortunate that people, especially mga kakabayan natin, will resort to this just to STEAL from fellow kababayans who make an honest living,” saad pa ng singer.

AUTHOR PROFILE