Paolo Mga larawan: Paolo Benjamin/FB

Paolo Benjamin ng Ben&Ben unti unti nang natupad ang pangarap

December 6, 2023 People's Tonight 121 views

MABIGAT ang self-realization ng isa sa mga main vocalist ng bandang Ben&Ben na si Paolo Benjamin hinggil sa hindi nito pagsuko sa kanyang pangarap.

Sa kanyang post, pinasalamatan nito ang kanyang sarili dahil sa hindi nito pagsuko sa kanyang pangarap kahit pa man na imposible umano itong marating.

“Thank you, past self. thank you for pursuing your dreams, and not giving up even when it seemed impossible,” ani Paolo.

Dagdag pa niya, kahit na mabagal man ang proseso ay nagawa pa rin niyang makamtan ang pangarap niya nang paisa-isa at paunti-unti.

Aniya, “You’re now slowly but surely achieving your biggest dreams one by one, alongside some of your best friends.”

“All your struggles were worth it,” panapos na mensahe ni Paolo sa kanyang sarili.

AUTHOR PROFILE