Paolo

Paolo balak patawarin ni LJ

January 6, 2022 Aster Amoyo 226 views

Paolo1Paolo2WALA si Paolo Contis sa 3rd birthday last January ng anak na si Summer Ayana, anak ng aktor sa aktres na si LJ Reyes.

Ang mag-iinang LJ, Akio at Summer ay kasalukuyang nasa New York City, USA since noong isang taon matapos maghiwalay sina LJ at Paolo dahil sa third party sa side ng actor na sinasabing ang aktres na si Yen Santos.

Hindi pa rin makapag-desisyon ang Kapuso actress kung kelan sila babalik ng Pilipinas.

Tulad ito sa dalawang mga anak ni Paolo sa kanyang ex-wife na si Lian Paz na sina Xalene at Xonia na matagal-tagal na ring panahon niyang hindi nakikita dahil nasa Cebu ang mga ito kasama si Lian at fiancé nitong Cebuano cager at businessman na si John Cabahug at anak nilang si Nina Angela (5) at isa pang daughter ni John sa dating karelasyon.

Samantala, iniisip na rin ni LJ na patawarin si Paolo para na rin gumaan-gaan ang kanyang pakiramdam ngayong alam niyang malabo nang muling mabuo ang kanilang pamilya. Sa ngayon ay ini-enjoy muna ng aktres at ng kanyang dalawang anak ang kanilang pamimirmihan sa Amerika kasama ang kanyang ina at kapatid.

SabrinaSabrina1Ang buhay at lihim na pag-ibig ni Sabrina M

AYON sa dating modelo, beauty queen and former sexy actress Sabrina M (Karen Salan Palasigue), malaking leksyon ang kanyang natutunan nang siya’y makulong sa loob ng dalawang taon dahil sa ipinagbabawal na gamot.

It was an ordeal na ayaw na niyang maulit pa.

Hindi ikinakaila ng comebacking actress na sa mga kaibigan niya natutunan ang tumikim ng droga. Although pinagdusahan niya ng dalawang taon ang kanyang pagkaka-involve sa droga, hindi umano siya naging drug addict at lalo umano siya hindi naging pusher tulad ng ibinintang sa kanya. But that is now water under the bridge na kung puwede lamang ay ayaw na niyang maalaala pa.

It was on September 26, 2016 nang masakote si Sabrina M ng mga otoridad at anim na kaso kaagad ang isinampa laban sa kanya. Pero agad siyang na-clear sa apat na kaso at itinira sa kanya ang pagiging user at pusher.

Ayon sa aktres, sa simula pa lamang ng pagkakahuli sa kanya ay gusto na umano niyang wakasan ang kanyang buhay pero naalaala niya ang kanyang tatlong anak na noo’y 13 years old ang kanyang panganay at seven naman ang kanyang bunso.

Habang nasa loob ng kulungan, wala umanong oras na hindi niya naalaala ang kanyang mga anak . Pero wala umano siyang komunikasyon sa mga ito dahil bawal ang telepono. Ang kanyang panganay na anak na si Matthew ay kinuha ng kanyang ama at dalawang taon niyang hindi nakita habang ang dalawa niyang anak ay inalaagan ng ama ng mga bata pati na rin ng mga kapatid ng aktres. Nakikita lamang niya ang mga ito sa mga espesyal na okasyon. Madalas ay umiiyak siya sa loob ng kulungan.

Ang mga kapatid ni Sabrina M ang kumuha ng abogado para matulungan siya sa kanyang kaso. Two years later ay nakalaya siya at ang kanyang panganay na anak mismo ang sumundo sa kanya at saka niya sinorpresa ang kanyang dalawang nakababatang mga anak na sina Karen at Ashley. Ang paglaya ni Sabrina M. was covered and documented ng “Rated K” program ni Korina Sanchez.

Nagpasalamat naman ang dating sexy actress sa kaibigang si Katrina Paula na siyang kaisa-isa niyang kaibigan na dumalaw sa kanya nung siya nakakakulong at hanggang sa kanyang paglaya ay hindi umano nagbago ang kanilang pagkakaibigan.

Ngayong balik na sa normal na buhay si Sabrina M. Ang panganay niya na si Mathew Salvador (18) ay nag-aartista na rin. Hindi umano nawawala ang bonding ng mag-iina at bumawi umano siya mga ito.

“I am proud to say na lumaki ang mga anak kong mababait, marespeto at may takot sa Diyos. At hindi rin sila nagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko,” pangako pa ni Sabrina M.

Ang pakiusap lamang ni Sabrina M sa mga TV and movie producer ay mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.

Si Sabrina M. ay sumali sa Mutya ng Pilipinas beauty pageant in 1993 kung saan si Michelle Aldana ang nanalo at siya naman ang nakakuha ng special award bilang Miss Photogenic. Pero, taong 1991 ay gumawa na siya ng ilang pelikula na kanyang sinimulan sa “Joe Pring 2” ni Phillip Salvador gayundin sa dalawang pelikula ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr., ang “Pitong Gatang” at “Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway” at ilan pang pelikula. Muli niyang binalikan ang pag-aartista matapos siyang sumali sa Mutya ng Pilipinas. Bukod sa maraming action movies na kanyang sinalihan, nag-switch din siya bilang sexy actress.

Si Sabrina M. ang gumanap sa title role na “Karanasan: The Claudia Zobel Story” where she portrayed the role of the late sexy star na si Claudia Zobel (Thelma C. Maloloy-On in real life) who died of a vehicular accident in 1984. Naging leading man niya sa nasabing pelikula si Rey `PJ’ Abellana mula sa direksiyon ni Mike Relon Makiling. It was in this movie na pinalitan ang kanyang dating screen name na Karen Salas ng production designer-director na si Neal `Buboy’ Tan at ginawa itong Sabrina M dahil mahilig noon ang aktres magsuot ng sabrina dress or tops. Wala namang meaning ang letter M sa kanyang screen name. Nagkataon kasi na uso noon ang pangalan na Andrew E. at Francis M.

Unknown to many, tatlong taon ding nagkaroon ng secret relationship si Sabrina M. sa namayapang actor na si Rico Yan. Itinago nila ito sa publiko dahil sa image ng actor bilang major actor noon ng ABS-CBN at naka-loveteam at naging kasintahan ni Claudine Barretto habang kilala noon si Sabrina M. bilang bold star.

Pure love umano ang namagitan sa kanila noon ni Rico na tumagal ng tatlong taon.

Nananatili mang single hanggang ngayon, umaasa pa rin ang aktres na makakatagpo pa rin siya ng lalakeng kanyang mamahalin nang tapat na gusto niyang makasama hanggang sa kanilang pagtanda. Isang lalaking magmamahal din sa kanya at sa kanyang mga anak.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE