PAOCC spox sibak dahil sa pananampal
SINIBAK sa puwesto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Winston Casio bilang tagapagsalita.
Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video ng pananampal ni Casio sa isang Filipino sa isinagawang raid sa scam hub sa Bagac, Bataan.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, pinagpagpapaliwanag si Casio sa naging aksyon nito.
“Under administrative investigation. Relieved as PAOCC spokesperson and ordered to explain actuations in writing,” pahayag ni Bersamin.
Agad namang humingi ng paumanhin si Casio.
“I apologize to everyone in this ops. Nabahiran pa tuloy. Iwas not able to control myself sa ginawa sa bata at sa kaibigan ko na parang ate ang turing ko,” pahayag ni Casio.
“Pero I will man up. I am willing to face the music po. Pinapili ko sya mag file kami ng unjust vexation or sampalin ko sya. Pinili nya latter. Pero mali pa rin sirs and maam. So I will face the consequences,” pahayag ni Casio.