Loren Legarda

Pantay na pagtingin, suporta sa mga manggagawa isinulong ni Legarda

May 1, 2022 People's Tonight 154 views

KASABAY ng paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo 1, sinaluduhan ni Deputy Speaker Loren Legarda ang mga manggagawang Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay Legarda, sponsor ng International Labour Organization (ILO) Convention 189 at co-author ng Domestic Workers Act, dapat pagtuunan ng pamahalaan ng pantay na pagtingin ang lahat ng manggagawang Pinoy sa loob man o labas ng bansa.

Ani Legarda na pambatong senador ng Nationalist People’s Coalition (NPC), “ang May 1st celebration” ay paalala sa lahat lalo na sa pamahalaan at mga stakeholders na dapat natutugunan at napo-proteksiyonan ang pundamental na karapatan ng mga manggagawa.

“Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dulot ng epekto ng pandemya sa ekonomiya. Hindi natin maaaring ipagsawalang-bahala ang daing ng ating mga Pilipinong manggagawa na nawalan ng trabaho matapos magsara ang ilan sa mga industriya. Kaya ang isa sa maaari nating kasagutan ay paigtingin ang pagpapalakas ng ating mga MSMEs. Bigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na magkaroon ng kabuhayan para na rin magkaroon ng dagdag na oportunidad sa trabaho,” diin niya.

Idinagdag pa ni Legarda na bilang ‘tagapagtanggol sa paggawa’ o “champion ng labor rights” sa oras na makabalik siyang muli sa Senado ay isusulong niya ang pagpapalakas at pagkakaroon ng ‘consistent legislative agenda’ para sa mga manggagawang Pinoy upang pangalagaan ang kanilang mga karapatan at maipagtanggol sila sa pang-aabuso.

AUTHOR PROFILE