Arianne Larawan mula sa IG/Arianne Bautista

Pantanggal lungkot

December 4, 2024 People's Tonight 118 views

SA husay nga ng mga tindigan at pag-awra ng aktres at content creator na si Arianne Bautista sa social media, agree ang netizens na modelo siya ng taon.

Nababad nga ang titig ng mga kelot sa takaw-pansing mga larawan ni Arianne sa Instagram.

Tanggal ang lungkot ng mga male fans niya sa suot na one-piece bikini ng aktres.

Kabogera nga sa kanyang mga posing si Arianne kaya puring-puri ang pagiging modelo nito.

Nanlambot ang mga kalahi ni Adan sa toned body niya. Perfect pampagana ang kurba na mayroon siya.

Maging ang kanyang mga kapwa content creator ay napa-wow sa wangkata niyang oozing with hotness. Sey nga ng karamihan ay bagay na bagay kay Arianne ang ibinandera niyang kaseksihan.

Dahil ayaw paawat ng content creator sa pagbabalandra ng kanyang alindog, hindi rin nagpatigil ang netizens sa kanyang comment section na magbigay reaksyon sa kanyang sexy photos.

Banat pa nga ng isa sa kanila, “Dyuskuday! Napaka hot mo naman po talaga Ms. Arianne.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar