Suspects Iprinisinta ni MPD Director Police Brig.General Leo “Paco” Francisco ang mga naarestong suspek na nanloob sa 7-11 convenience store sa Jeorge Bocobo St., Ermita Manila noong Enero 2. Ang mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation Section sa pamumuno nina P/Maj. Rommel Anicete at Police Lt. Col. Deonelle Brannon ng MPD Stn.5. Nakamasid sina PCol. Nicanor Salvador, DDA PCol. Raul Tacaca DDO at PCOL. Arnold Tomas Ibay, CDDS ng Manila Police District Headquarters. Kuha ni JON-JON REYES

Panloloob sa 7-11 sa Kalaw iniimbestigahan kung inside job

January 5, 2022 Jonjon Reyes 118 views

MASUSING iniimbestigahan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) kung “inside job” ang naganap na insidente ng panloloob sa isang sangay ng 7-11 convenience store sa Jeorge Bocobo St. kanto ng T.M Kalaw St.,Ermita, Maynila.

Ayon kay MPD Director P/Brig.General Leo “Paco” Francisco , nangyari ang panloloob noong Enero 2 alas 2:15 ng madaling araw.

Binuksan ng mga suspek ang pintuan ng convenience store gamit ang “barreta de kabra” upang mapasok ang nasabing establisyimento.

Naaresto naman ang mga suspek sa pamamagitan ng kuha ng CCTV na sina Jershelle Ross Gonzales; Darwin Damian,23; at Angelito Labao,21, mga residente ng Tondo,Maynila.

Sa inisyal na imbestiagsyon, sinabi ng store duty clerk na isinarado nito ang convenience store upang makapaghinga sa loob ng opisina.

Nang makarinig ng kalabog ay nagising ito at nang i-check ang tindahan ay nakita ang mga suspek sa loob ng 7-11 kaya agad itong nagkulong sa opisina saka tumawag sa pulisya.

Gamit ang mga suspek ng isang motorsiklo na may sidecar kung saan isinakay ang vault ng 7-11 na naglalaman ng kinitang P182,000.

Hindi na narekober ng pulisya ang lamang pera maliban sa vault bagamat naresolba agad matapos maaresto sa loob lamamng ng dalawang araw.

Tinitignan ang anggulong “inside job” dahil batay sa kuha ng CCTV, sinabi ni Francisco na hindi na naghaluuglog pa ang mga suspek ng kukunin.

Napag-alaman din kay Francisco na konektado rin ang mga suspek sa nangyaring panloloob sa isa ring sangay ng 7-11 sa Binondo, Maynila noong nakaraang taon .

Nanawagan si Francisco sa iba pang nabiktima ng mga suspek na dumulog lamang sa MPD upang mas mapalakas ang ebedensya at kasong isasampa laban sa mga ito. Nina JONJON REYES at C.J. ALINO

AUTHOR PROFILE