Panglalaking Candy
PINYA-LEVEL up sa sarap ang hinog na hinog na alindog ng Vivamax siren na si Candy Veloso.
Matamis nga ang ngiti ng kanyang mga male followers dahil sa ibinahagi niyang behind the scene video ng naging photoshoot ng sexy star.
Tampok si Candy para sa kanyang pinaka bagong proyekto sa Vivamax na pinamagatang “PIN/YA.” Kasama niya sa nasabing pelikula ang ilang kapwa niya bituin na sina Angelica Hart at Julian Richard.
“Your VMX Siren,” saad pa ni Candy sa caption ng nasabing post.
Mapapanood sa patakam to the max na video ang hot actress na grabe kung umawra. Sa kamang kanyang niluluhuran, ready na sa tuwadan ang kanyang postura, posisyon, at wangkata.
Seductive ang atake ng aktres sa suot niyang lingerie, angat ang makatas niyang mga tambok. Nariyan pa ngang itinataas niya ang kanyang suot para lang bumulaga ang kanyang makinis na “behind.” Talaga namang napuno ng pagpapainit ang photoshoot ni Candy.
Sumabog ang comment section ng nasabing post, hindi mapakalma ang mga kalahi ni Adan sa pagbabandera ng rapsang sex appeal ni Candy.
Bago man sa industriya, agad niyang pinatunayan na may ibubuga ang nag-uumapaw niyang karisma.
Ang kalalabas pa lang ngayong taon na Vivamax original film na ‘Dirty Ice Cream’ ang acting debut ni Candy sa nasabing subscription based, video on-demand app.
Naitampok na rin sa iba pang proyekto si Candy, kabilang na sa mga ito ang ‘Kapalit,’ ‘Init,’ ‘F-Buddies,’ at ‘ Tahong.’