Default Thumbnail

Pangalan ni ES Vic Rodriguez nilinis ni SP Migz Zubiri

August 25, 2022 Marlon Purification 238 views

Marlon PurificationMISMONG si Senate President Migz Zubiri na ang nagsabi na walang kinalaman si Executive Secretary Vic Rodriguez hinggil sa kontrobersiya na bumabalot ngayon kaugnay sa multibilyon-pisong halaga ng asukal na kung hindi man hino-hoard ay pinagtatangkaang i-smuggle sa bansa.

“I absolutely do not believe that [Rodriguez] is part of this plan of coming out with an illegal order to import sugar,” ani Zubiri sa Senate media.

Si Rodriguez ay humarap sa Senate Blue Ribbon Committee noong nakalipas na Martes upang bigyang-linaw ang sumambulat na tangkang pag-import ng 300,000 metro tonelada ng asukal.

“Why? Because he was the one who took [the matter] to the Prrsident and told the President about this particular plan, that they already signed an import order without the President’s approval,” ani Zubiri.

Partikular na tinukoy ng senador ang Sugar Order (SO) No. 4, na pinirmahan ng nag-resign na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian noong August 8.

Ang pirma na ginawa ni Sebastian ay ‘for’ o ‘in behalf’ ng President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang chairman ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at acting agriculture secretary.

“If he was part of this plan, why would [the executive secretary] tell this to the President?,” sabi pa ng Senate president.

Sa sinabing ito, umaasa na mabibigyang tuldok na ang ginagawang pag-spin ng ilan upang malisyosong i-link ang pangalan ni ES Vic sa kontrobersiya.

Nakalulungkot kasing isipin na kung sino pa ang gumagawa ng kabutihan sa pamahalaan ngayon ay siya pa ang pilit na sinisiraan.

Ang tingin ko tuloy dito, habang sinisiraan nila si ES Vic, mistulan naman nilang kinukunsinti ang sindikatong sangkot sa illegal na smuggling at hoarding ng asukal.

Or puwede kong sabihin na bahagi na rin sila ng mga sindikatong ito na labis naaapektuhan dahil sa walang humpay na pagsalakay na ginagawa ngayon ng mga awtoridad sa mga bodegang nahuhuling may bultu-bultong sako ng asukal.

Isang patunay na hindi totoong may shortage ng asukal, kundi artificial lamang ito upang kumita ng malaki ang mga mapagsamantalang negosyante na bahagi ng malaking sindikato.

PBBM PINURI NG SINAG

Pinuri naman ng Samahang Industriya at Agrikultura (SINAG) ang Pangulong Marcos dahil sa paggamit ng mga ito sa ‘visitorial powers’ para suriin ang mga bultu-bultong sako ng asukal na nakaimbak sa iba’t ibang bodega sa bansa.

Dahil sa walang puknat na operasyon na ginagawa ng pamahalaan, napilitang magbaba ng presyo ng asukal ang malalaking supermarket sa buong kapuluan.

Sa briefing sa Laging Handa ng PTV 4, sinabi ni SINAG president Rosendo So na labis silang nagpapasalamat sa ipinakitang malasakit ng pamahalaang Marcos para sa sector ng agrikultura.

“It’s a very good achievement of the President to speak with supermarket owners to lower their prices. Of course, we are expecting that next month, the price will be even lower because we have seen our local millers only selling for P45 and the import price was at P43 plus a five-percent tariff. So we are expecting it to be lower than P70,” ani So.

Patunay ito na prayoridad ng Pangulong Marcos ang mga kababayan nating magsasaka, kaysa mag-angkat pa ng ibang produkto sa labas ng bansa.

“Ang sabi niya tingnan mabuti ‘yung local kung maraming stocks, i-prioritize ang local producers, anong kulang lang ‘yun ang ipasok. Nakikita naman natin na wala talagang shortage, and nag-panic lang siguro lahat dahil nag-announce ang SRA (Sugar Regulatory Administration) na may kulang kaya umangkat

“The President wanted to know if we have enough local supply. If we do, local producers should be prioritized. Then if we still have a shortage, that’s the only time we should import. We can see there is really no shortage. Everybody panicked only after the Sugar Regulatory Administration announced an importation due to shortage,” wika pa niya.