Angeline

Pangalan ng 2nd baby ni Angeline kinuha kay Mama Bob

August 14, 2024 Vinia Vivar 396 views

Nanganak na si Angeline Quinto sa second baby nila ng non-showbiz husband niyang si Nonrev Daquina noong August 14, 8:10 a.m., sa St. Luke’s, Taguig.

Ayon sa ulat, isinilang ng Kapamilya singer ang baby girl na pinangalanan nilang Azena Sylvia Daquina at may timbang na 6.5 pounds at habang 47.6 cm.

Sa larawang kuha ng Kreative Talent Management na siyang nangangalaga ng career ni Angeline ay makikita ang black and white photo ng Kapamilya singer habang nasa delivery room.

Tulad ng panganay nilang si Sylvio, na kuha ang pangalan sa yumaong Mama Bob ni Angeline whose real name was Sylvia Quinto, dito rin ibinase ang name ng second baby ni Angeline.

LOTLOT BOTO KAY ECHO 

“Yeah, it’s been fun getting to know him and hanging out with him outside of work. Masaya naman.”

Ito ang reaksyon ni Janine Gutierrez nang matanong siya tungkol sa pag-amin ni Jericho Rosales that they’re in the dating stage.

Sabi pa ng aktor, “She’s an amazing person. Very sweet, very kind, very funny and very dedicated. And you know, good actress. And we just like, you know, share a lot of things.”

After Echo ay si Janine naman ang nahingan ng reaksyon sa mga sinabi ng aktor.

Sey niya, “That’s sweet to hear.”

Natawa naman siya nang ikwento ng press na sinabi ni Echo na na-meet na rin nito ang parents niya.

Asked to comment na parang boto naman ang ina niyang si Lotlot de Leon kay Echo, nakangiti niyang sabi, “Eh, di masaya.”

AUTHOR PROFILE