Loren

Pangalagaan, ipaglaban ang planeta, mensahe ni Loren sa ‘Earth Day’

April 23, 2022 People's Tonight 85 views

SA paggunita ng Earth Day noong Biyernes, nanawagan si Deputy Speaker at Nationalist People’s Coalition senatorial bet Loren Legarda sa mga mamamayan na maging tagapagtanggol ng daigdig o “Earth Defenders.”

Kilala bilang kampeon sa pangangalaga ng kalikasan, sinabi ni Legarda na hindi lang dapat ‘pahalagahan ang daigdig’, kundi dapat mamuhunan ang lahat sa pagsusulong ng isang malinis, masigla at malusog na ‘Mother Earth.’

Ginawa ng beteranong mambabatas ang pahayag sa okasyon ng ‘Earth Day celebration’ na may pangdaigdigang tema na ‘Invest in our Planet’.

Hinimok ni Legarda ang pamahalaan, pribadong sektor at civil society na aktibong makilahok at isulong ang mga programa at proyektong lulutas sa pang-aabuso sa kalikasan, habitat loss o pagkawala ng mga tirahan ng hayop, at pagkasira ng mga komunidad dahil sa polusyon.

Sa harap ng mga nagaganap na kalamidad, dulot na rin ng mapanirang galaw ng sangkatauhan at ‘climate change’, sinabi ni Legarda na dapat lang kumilos ang komunidad – ang mga mamamayan – bilang ‘Earth Defenders’ o tagapagtanggol ng daigdig – hindi lang ngayon, kundi gayundin sa hinaharap.

Noong nasa Senado, si Legarda ang nag-akda ng Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act of 2018. Sa ilalim ng batas, idineklara ang 94 na lugar sa bansa bilang natural parks, protected landscapes at seascapes.

Ayon kay Legarda kapag nakabalik siyang muli sa Senado ay lalo pa niyang pag-iibayuhin ang mga batas kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. Hinimok niya rin ang publiko na sama-samang payabungin ang ganda at sigla ng ating kalikasan.”

Sa lahat ng mga tumatakbong kandidato sa darating na halalan sa Mayo, tanging si Legarda lamang ang may mahabang karanasan, malinaw na adbokasiya at epektibong action plan sa pangangalaga ng kalikasan.

AUTHOR PROFILE