Vincent Franco “Duke” D. Frasco House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco

Pangako ni Rep. Frasco di napako

September 8, 2023 Mar Rodriguez 361 views

House deputy speaker tinupad pagpapatayo ng police station 

TINUPAD ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pangako niya na magkakaroon ng bagong police station sa Barangay Tayud, Liloan City para mapanatili ang peace and order na inilipat sa pangangasiwa ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Frasco na tinupad niya ang kaniyang pangako noong 2022 na magpapatayo siya ng karagdagang police station sa Liloan City para maisulong ang peace and order at police visibility sa nasabing lugar upang mapangalagaan ang mga residente.

Dahil dito, pinangunahan ni Frasco ang pagpapasinaya sa bagong gawang station sa Barangay Tayud na nagkakahalaga ng P10 million.

Ipinagmalaki din ng kongresista na bukod dito, mas magiging convenient para sa mga residente ng Barangay Tayud, Catarman at Calero na nag-a-apply ng police clearance na requirement sa inaaplayan nilang trabaho.

Pinasalamatan ni Liloan Police Chief Major Eric Gingoyon si Congressman Frasco dahil sa suporta nito para sa PNP.

AUTHOR PROFILE