Discaya

Pangako ni Discaya sa Pasig: Sinseridad, tapat na paglilingkod

March 4, 2025 People's Tonight 148 views

PASIG City — Inihayag ni mayoralty aspirant Sarah Discaya na sa kanyang pamumuno, siya ay magiging tunay na lider na puno ng sinseridad at tapat na maglilingkod.

Ito ay matapos maghinaing ang mga residente ng Pasig dahil sa umano’y kapabayaan sa kapakanan ng mga Pasigueño.

Base sa mga hinaing ng iba’t-ibang sektor ng Pasig, maraming pangako ang hindi umano naibigay, lalo na ‘yong mga pangunahing social welfare services tulad ng edukasyon, kalusugan, at sustainable livelihood.

Matatandaan na nitong mga nakaraang buwan ay nadismaya ang mga Pasigueño dahil umano sa mataas na surplus fund ng lungsod.

Pinuna rin nila na na ang ipinapatayong bagong Pasig City Hall ay nagkakahalaga ng P9.62 bilyon.

Samantala, una nang nagpaabot ng pagkadismaya at reklamo ang iilang mga senior citizens sa Pasig dahil hindi umano sumasapat ang mga gamot at ang mga serbisyong pangkalusugan sa kanilang mga pangangailangan.

Nangako at tiniyak ni Discaya na hindi ito mangyayari sa kanyang pamumuno.

“Ang isang tunay na lider ay ipinapakita ang kanyang sinseridad sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod,” pagtatapos ni Discaya.

AUTHOR PROFILE