Pang-araro
KUNG may patimpalak nga para sa pasarapan ng katawan at netizens ang magiging mga hurado, tiyak na ipapanalo nila ang Vivamax actress na si Dyessa Garcia.
Pinagkaguluhan ng mga barako ang inilakong pampagana ng sexy star sa kanyang Instagram page, isang pasabog na mirror selfie ang nagpainit sa kanilang laman.
“You need time to bloom,” caption ni Dyessa sa nasabing post.
Mala-siling labuyo ang anghang na patakam ni Dyessa sa mga kalalakihan. Talagang pagpapawisan sila sa bawat sulok ng kanyang wangkata.
Tila nilagnat ang sangkalalakihan dahil maging sila nakaramdam ng init sa katawan mula sa ipinakitang katawan ni Dyessa sa suot na two-piece bikini..
Inulan din ng mga papuri ang ganda ng hot actress. Karugtong na yata ng pangalan niyang Dyessa ang salitang Diyosa.
Hirit nga ng isang netizen sa kanya, “one of the most pretty faces in Vivamax fam.”
Talaga namang gaganahan ang male fans sa Vivamax actress dahil game na game ito pagdating sa pasarapan.
Mayroon ngang bagong proyekto si Dyessa sa Vivamax na pinamagatang “Init.”
Sa direksyon ni Piem Acero ang original film ng nasabing subscription based, video on-demand app. Kasama ni Dyessa ang iba pang bituin ng Vivamax kabilang na sina Candy Veloso, Aica Veloso, Rash Flores, Rome Guinto, at Ghion Espinosa.
Nakilala si Dyessa sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Dilig (2024), Araro (2023) at Sugapa (2023).