Lapid Senador Lito Lapid

Panawagan ng total POGO ban lumalakas

June 11, 2024 PS Jun M. Sarmiento 98 views

LUMALAKAS at dumarami ang panawagan mula sa mga senador na isuspendi at magsagawa ng “total ban” sa lahat ng operasyon ng Phil Offshore Gaming Operator (POGO) sa buong Pilipinas dahil sa lumalalang problema na idinudulot nito partikular sa seguridad ng ating bansa.

Nanawagan si Senador Lito Lapid na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) sa POGO hub sa Pampanga.

Ayon kay Lapid, kailangan malaman ang katotohanan kung sino ang tunay na nasa likod ng operasyon ng nasabing POGO.

“Nararapat na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang malaman kung sino ang mga taong tunay na nag mamay-ari ng mga lupa at mga building na ginagamit sa POGO at ang kompanyang nagpapatakbo dito nang sa ganun malaman ang buong katotohanan kung sino talaga ang nasa likod ng mga POGO,”ayon kay Lapid.

Umaapela rin si Lapid sa ating mga kapatid sa media na maging balanse at responsable sa kanilang ipinapahayag upang maiwasang madamay ang mga taong wala naman talagang kinalaman sa operasyon ng POGO sa Pampanga.

Kaugnay nito, pinupuri at sinusuportahan ni Lapid ang pambihirang aksyon ng mga tauhan ng PAOCC at iba pang law enforcement at intelligence agencies ng pamahalaan.

“Ang kanilang ginawang pagsalakay sa mga POGO hub sa Tarlac at Pampanga ay hindi lang nagbunga ng sapat na mga ebidensya para sa paghahain ng kasong kriminal, kundi magiging daan din ito para sa pagtama ng mga kakulangan sa ilang batas para mapigilan ang anumang paglapastangan sa regulatory processes,” saad pa ni Lapid

Nakikiisa si Sen. Lapid sa hangarin ng ating mga kababayan na dapat protektahan ang pambansang interes at papanagutin ang mga taong sangkot sa illegal na POGO operation.

“Ang mga karumal-dumal na krimen na nadiskubre sa POGO raid sa Bamban, Tarlac at Pampanga ay hindi lamang nararapat na kondenahin kundi kailangan din ng mabilis na aksyon mula sa pamahalaan upang mapanagot ang mga nasa likuran ng mga gawaing kriminal, kaakibat rin ang pagbalangkas ng mga bagong polisiya laban sa illegal na POGOs at iba pang kahalintulad na operasyon sa bansa,” ani Lapid.

Si Sen. Sherwin Gatchalian naman ay matigas ang mungkahing ihinto na ang operasyon ng POGO sa lalong madaling panahon dulot ng nakakatakot aniyang epekto nito sa bansa at sa seguridad ng ating bayan sa kabuuan.

Ipinaliwanag ni Gatchalian kung papaano pinalalawak ng mga ito ang kanilang galamay upang magkaroon ng malalim ng impluwensiya sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno at ngayon nga ay pumapasok na ito sa mga posisyon ng pamahalaan.

Ang P12 billion na kita aniya sa POGO ay hindi sasapat sa dami ng problemang dinudulot nito sa ating bansa gayundin sa seguridad na nahaharap sa matinding banta dulot ng mga kriminalidad na ginagawa ng mga ito.

“Importanteng mapahinto natin ang POGO dahil nagagamit na ito sa POGO politics at lumalawak na ang mga galamay ng POGO. Its about time that we stop POGO. We need to ban POGO right away before it is too late. Mahirap mawalan tayo ng control now that they are trying to influence many government agencies in our country. Pinag aaralan nila ang galawan ang it is scary and dangerous.” ani Gatchalian.

Patuloy naman ang ginagawang panawagan ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros sa Pangulong Marcos jr., na mag isyu ang punong ehekutibo ng total ban sa POGO dahil sa idinudulot nitong perwisyo sa imahe ng ating bansa matapos mabulgar na nagpapanggap ang ilan dito bilang mga PIlipino sa ibang bansa at duon ay naghahasik ng ibat ibang kriminalidad gamit ang ating pangalan.

Bukod pa sa pagwasak sa ating reputasyon, ani Hontiveros, ay talagang banta ito sa seguridad matapos makita ang ilan sa mga uniporme ng Chinese PLA na camouflage ( na pinaniniwalaan gamit ng mga chinese military) sa loob ng Porac Pogo hub kasama ang ilan mga armas.

“Walang katapat na halaga ang ating dangal bilang bansa. Nakaka alarmang isipin na ang POGO ay isang mukha ng kriminalidad. We need to stop POGO. Sa lalong madaling panahon,” ani Hontiveros.

Nanawagan na rin si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na ikonsidera ng pamahalaan ang pag ban ng POGO dulot ng perwisyo ginagawa nito sa ating bansa at ito aniya ay hindi na nakatutulong sa interes ng ating bayan.

Sinabi pa ni Pimentel na maituturin din ang POGO na isang mali at pangit na desisyon dahil sa idinulot nitong ibat ibang problema para sa bayan na dapat na aniyang tuldukan.

Sa parte naman ni Sen. Grace Poe, sinabi nito na mas malaki ang perwisyo na nakukuha ng PIlipinas kesa benepisyo pagdating sa operasyon ng POGO.

Ipinaliwanag ni Poe na dahil sa dami ng dinadala ng mga undocumented na trabahador ng POGO, napipilitan ang gobyerno na maglabas ng pera para mapakain ang mga ito, maipagamot, bigyan ng matutuluyan hanggat naririto sa bansa at pamasahian ang mga ito pabalik ng kani kanilang bansa iba pa ang gastusin ng pagpapa korte.

“The scale and breadth of illegal POGO operations in the country have become appalling and costly for Filipinos. For every operation against a POGO, the government spends millions for the personnel needed, food and shelter of the rescued, deportation of undesirables, filing of court cases, and other related expenses.”

“We reiterate our call for a resolute policy banning POGOs. This will not only bring a permanent halt to their illegal activities, but will also plug the utilization of government resources, which could have otherwise been spent on useful social services for our people.” ani Poe na nagsabing dapat ng ipatigil ang mga operasyon ng POGO dahil dagdag gastos lamang aniya ito sa gubyerno bukod pa sa sobrang dami ng istorbo dulot ng kriminalidad na dala ng mga ito sa bansa.