‘Panalo sa AllTV,’ namigay ng house and lot
ISANG maybahay at isang dating security guard ang masuswerteng nanalo ng bahay at lupa mula sa Vistaland sa ‘Panalo sa AllTV’ promo ng nasabing television network.
Pinangunahan ni Cong. Camille Villar ang ceremonial turn-over ng mga susi sa dalawang winners, na sila Monica Labausa, at Benedict Esmenio. “Thank you po kay Congresswoman Camille Villar. Sakto po kasi matagal na kami nagbabayad (ng rent),” ayon kay Benedict na dating security guard. Kaka-resign lang sa trabaho ni Benedict nitong Mayo para maghanap ng ibang mapapasukan. “Tuwing umaga po, nakasubaybay na ako sa mga nanalo e. Sakto po kasi wala po akong trabaho, kaya iyon po naging libangan ko sa bahay,” ayon kay Esmenio, na taga-Las Piñas.
Hindi rin matawaran ang saya ni Monica, isang housewife at may anak na apat na taong gulang, mula sa Muntinlupa. Monica ng ‘It’s Showtime’ sa ALLTV nang magpasyang sumali dito. “Masaya po… nakikitira po kami ngayon sa aking in-laws,” ayon kay Monica na ang asawa ay isang call center agent.
Samantala, maliban sa bahay at lupa, may chance na manalo rin ang 20 televiewers ng ALLTV na mabubunot para sa daily raffle ng tig-500 pesos.