Panakot na COVID variants: totoo ba o sabwatan?

July 26, 2021 Allan L. Encarnacion 223 views

Allan EncarnacionGUSTO ko na talagang maniwala sa “conspiracy theory” kung bakit ang buong mundo ay nakalugmok ngayon sa pandemya.

Lahat ng mind conditioning ay ginawa na ng World Health Organization (WHO) para matakot tayong lahat sa nakakamatay na COVID-19 virus.

Nagsara ang lahat halos ng world busines and manufacturing industries, maliban sa mga nagtitinda at nagpo-produce ng pagkain, mga nagtitinda ng gamot at ang mga opistal.

Bawal ang tourism travel pero puwede magbiyahe ang scientists, medical experts, health professionals at pati na ang mga naglalako ng bakuna sa buong mundo.

Habang naka-lockdown tayong lahat, iyong mga vaccine manufacturers ay operational 24/7. Lahat ng medical suppliers, busy sa pagtatransport ng kanilang mga paninda. Iyong gumagawa ng alcohol na dati’y 500ml lang ang pinakamalaki, bari-bariles na ang tinda! Malapit na rin magkaroon ng Alcohol Station na makakalaban ng mga gas station!

Nang magsimula nang gumulong ang mga bakuna, namakyaw na ang mayayamang bansa, namili na rin ang mga middle at developing countries. Iyong sobrang yaman, namakyaw ng bakuna para itago at kalaunan ay i-donate bilang bahagi ng kanilang geopolitics play.

Sa unang tingin, humanitarian mission ang dating ng donasyon pero sa totoo lang, mas malaki ang pakinabang na makukuha ng donor-countries sa aspeto ng world supremacy.

Sa ngayon, maraming bansa na ang nagbabakuna sa kanilang mga mamamayan. May mga bansa nga na nagbukas na or nagbalik na sa normal ang kanilang ekonomiya.

Dahil sa matinding kampanya ng WHO, iyong mga dating ayaw magpabakuna, nakisama na rin. Ang paulit-ulit na lockdown at paghihigpit ng quarantine status ang nagtulak sa mga ayaw magpaturok na magpabakuna na rin kalaunan.

Bukod sa mga government expenditures sa bakuna, may mga pribadong kompanya sa buong mundo ang bumibili na rin ng sarili nilang bakuna para sa kanilang mga empleyado.

Tinatayang four billion vials ng bakuna ang kailangan for a single dose at karagdagang apat na bilyon para sa second dose. Imagine,eight billion vaccines, mas marami pa sa 6.7 billion world’s population!

Ang sistema ngayon, habang parami na nang parami ang nababakunahan, naglalabasan naman ang iba’t ibang COVID variants. Buong mundo na naman ang natatakot dahil mas mabangis daw at mas mabilis makahawang Delta variant.

Dahil marami nang nakabakuna, may mga usapan na naman sa world market ng “booster shot” na equalizer naman daw sa lahat ng uri ng variants. May mga pambalanse ang ibang nasa WHO, nanawagan sila sa mga rich nations at drug manufacturers na huwag munang isulong ang booster o 3rd shots.

Bagama’t patuloy tayong nag-iingat sa ating mga pagkilos, hindi rin nating maiwasang mapaisip na kapag talaga nagkaroon ng sabwatan ang mga malalakas, walang magagawa ang mga mahihina.

Hinihintay ko na lang sabihin ng mga taga-WHO na naka-Zoom meeting nila si Jesus Christ at ang mga anghel sa langit para paghandaan naman natin ang 4th and 5th and 6th and 7th shots para talaga magkaroon tayo ng eternal life!

allanpunglo@gmail.com