Default Thumbnail

Pamunuan ng LRT hinikayat pagandahin pa ang serbisyo

January 27, 2023 Jun I. Legaspi 274 views

MAY agam-agam ang commuter at transport group sa bagong pagpapatupad ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na payagan nang sumakay ang mga alagang hayop (aso at pusa) ng mga pasashero simula Pebrero 1.

Sa interview, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), mas mabuti at maganda kung paano “ayusin ng leadership ng LRT-2 ang mas mahusay na serbisyo ng mga tren.”

Paliwanag ni Inton, wala silang “objection” sa gusto ng LRT management sa pagpapasakay sa mga alagang hayop ng mga pasahero pero dapat ay prayoridad pa rin ang magandang serbisyo sa tao o pasahero.

“Maximize po natin yung mga tren sa pasahero! We should suggest may oras, anong oras lang pwede ang hayop para rin sa convenience ng mga pasahero,” saad ni Inton.

Nauna ng inanunsyo ng ahensiya na puwede nang sumakay ang mga hayop sa LRT-2 simula Pebrero 1.

Sinabi ito ni LRT Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera nitong Huwebes, Enero 26 bilang hakbang upang maging “pet-friendly” ang kanilang mga tren.

Kailangan na fully vaccinated ang mga alagang hayop, nakalagay sa carrier o kulungan at nakasuot ng diaper sa loob ng tren. Maliliit na alagang hayop lamang ang papayagan ayon sa LRTA.

Kasalukuyan namang nagbibigay ng information materials at briefing ang mga security personnel nila tungkol sa bagong policy.

AUTHOR PROFILE