Pampagana
KAHIT nga nagsisimula na ang tag-ulan, hindi pa rin nagpapaawat ang beauty content creator na si Michelle Dy na bagyuhin ng kanyang hotness ang mundo ng mga kalalakihan.
Ibinida ng kilalang YouTuber sa kanyang Instagram ang katakam-takam nitong sex appeal sa mga larawang ibinahagi nang magtungo sa isang beach sa Ilocos Norte.
“Sunsets at home will always be my number one,” sey niya sa caption ng kanyang post.
Kabogera ang lumutang na sarap ng appeal ni Michelle sa suot nitong two-piece bikini.
Nasa dagat man si Michelle, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng bebot.
Hindi lang sa makeup magaling ang social media personality, magaling din itong maging pampagana sa taglay niyang kariktan at perpektong kurba.
Nag-apoy ang comment section ni Michelle. Maging ang kanyang mga kapwa influencer ay nawindang sa pagpapainit ng social media star.
Ayon sa kanilang mga comments: “Grabe ka girl”, “GRABE DYOSA MHIE!!!!!”, “napaka sexy mo ate koooooo”, at “mimaaaa!!! slaying in ilocos.”