
Pamilya nag-aalala sa paglipat kay Vhong sa Taguig City Jail
NAKATAKDA nang ilipat ang dancer, actor-comedian-TV host na si Vhong Navarro (45) sa Camp Bagong Diwa in Taguig City na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mapapasama siya sa Male Dormitory ng Taguig City Jail.
Bukod kay Vhong, mahirap din ito sa kanyang sariling pamilya mula sa kanyang magulang, wife na si Tanya at mga anak ngayundin sa kanyang malalapit na kaibigan lalung-lalo na ang kanyang “It’s Showtime” family.
Gustuhin man ng National Bureau of Investigation (NBI) Security Management Section na panatilihin sa kanilang protection si Vhong ay wala na silang magawa nang makatanggap sila ng order mula sa Regional Trial Court Branch 69 ng Taguig City na ilipat ang nakapiit sa Taguig City Jail.
Walong taon matapos ang desisyon ng Court of Appeals Division, Taguig Prosecutor’s Office at Department of Justice in favor of Vhong , the decision was overturned na may kinalaman sa rape case na inihain laban kay Vhong ng dating modelong si Deniece Cornejo.
From day one, consistent si Vhong sa kanyang pagsasabing siya’y inosente. At kung may kasalanan man siyang nagawa ay ang ginawa niyang pagtaksilan ang dati niyang girlfriend now his wife na si Tanya.
Nung araw na ni-rape umano ni Vhong si Deniece ay pinagtulungan diumano siyang bugbugin ng grupo ni Cedric Lee at sapilitan siyang pinaamin sa loob ng police station in Taguig City na ni-rape umano niya si Deniece.
Ang rape case ay paulit-ulit na pinabulaanan ni Vhong.
Pati ang unang misis ng dancer, actor-comedian at host na si Bianca Lapus ay apektado rin. Sinabi ni Bianca na malabong gawin ng ex-husband ang ibinibintang dito dahil kilala niya ang tunay na pagkatao ng dating mister. Gayunpaman, patuloy na umaasa ang pamilya at supporters ni Vhong that justice will prevail.
Direk Brillante hindi maramot sa kaalaman
AWARD-winning director and producer (under Center Stage Productions)
Brillante Mendoza is not selfish in sharing his talent with young and upcoming directors na kinakikitaan niya ng potential sa pagdidirek. Isa na rito ang bagitong director-cinematographer na si Direk Fred Cortez who directed Vivamax’s upcoming release, ang “Alapaap” na launching movie ni Josef Elizalde kasama sina Kat Dovey, Angela Morena,Andrea Garcia, Ali Asistio, Chesca Paredes, Alona Navarro at Chad Solano at iba pa.
Malaki ang potential ni Direk Fred bilang isang mahusay na filmmaker at kakaiba ang kanyang atake sa mga eksena ng pelikula. . Si Direk Brillante rin ang unang nagtiwala sa kanya bilang cinematographer.
Ang nakakatuwa pa, nakaalalay si Direk Brillante kay Direk Fred habang ginagawa ang pelikulang “Alapaap” na magsisilbing tribute sa yumaong veteran director na si Tata Esteban na director ng original na “Alapaap” nung 1984 na tinampukan nina William Martinez, Mark Gil at Michael de Mesa mula sa script ni Rei Nicandro.
Ang “Alapaap “ ni Direk Tata Esteban ay naging kalahok sa 1984 Metro Manila Film Festival.
Jomari ibinalik ang passion
LOVE is lovelier the second time around for Jomari Yllana at Abby Viduya (formerly Priscilla Almeda).
Naniniwala pareho sina Jomari (46) at Abbby (45) na sila’y destined para sa isa’t isa dahil sa kabila ng kanilang short-lived romance when they were in their teens at magkaroon ng separate lives after so many years, they got reconnected again after thirty years. Thanks to social media!
Just recently, November 5 and 6, muling binuhay ni Jomari ang isa sa kanyang mga passion, ang pagiging isang award-winning race car driver sa pamamagitan ng Paeng Nodalo Memorial Rally na ginanap sa Subic Bay Free Port .
Siyempre, kasamang nag-cheer kay Jomari si Abby at ang panganay niyang anak na si Andre (kay Aiko Melendez) na unti-unti na ring nagkaka-interest sa race car driving.
Ang unang race car ni Jomari ay ibinigay niya kay Andre when the latter turned 18.
DonBelle susubukan ang lakas sa mga sinehan
KAYANIN kaya ng DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na ibalik muli ang mga manonood when their first theatrical movie release “An Inconvenient Love” hits the movie screens sa darating na November 23.
Directed by Petersen Vargas, the movie will also be screened in different parts of the globe where Filipino are all over.
Ang lakas ng tambalan nina Donny at Belle ay kanilang napatunayan sa kanyang hit series na “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng second season.
Successful din ang kanilang digital release movie na “Love is Color Blind” kaya nag-desisyon ang Star Cinema, na matagal na nagpahinga sa pagpu-produce ng pelikula na ang “An Incovenient Love” nina Donny at Belle ang maging comeback project ng kumpanya for theater release after the pandemic.
Ang tandem nina Donny at Belle ay siya ngayong sumusunod sa stable nang tambalan ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 11 taon nang namamayagpag .
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.