Luis

Pamilya Manzano, package deal sa commercials

August 30, 2022 Vinia Vivar 381 views

Vilma

Hindi pa man naipapanganak ni Jessy Mendiola ang first baby nila ni Luis Manzano ay napag-uusapan na ng mag-asawa ang future plans nila para sa bata which is a good thing naman, actually.

This early ay hindi inaalis ng mag-asawa ang posibilidad na pumasok din sa showbiz si Baby Peanut.

In fact, kung may kukuha nga raw sa baby for a commercial ay okay sa kanila.

“Okay naman ako sa kanya na ma-expose siya sa commercials. Kasi, kahit paano, kung ano ‘yung kikitain niya do’n, sa kanya ‘yun. And still, kahit ano ang kikitain natin do’n, para sa kanya rin ‘yun,” sey ni Luis sa latest vlog niya.

“So, ako, I don’t mind. Ngayon, kung sabihin ni Peanut na gusto niyang mag-full showbiz, you know that’s something that we should talk about as a family,” dagdag pa ng panganay na anak nina Edu Manzano at Vilma Santos.

Siyempre, gusto niya ring gayahin ang ginawa ng ama niya sa kanya na talagang ni-require muna siya na magtapos ng pag-aaral sa kolehiyo bago mag-artista na sinunod naman niya.

Pero dahil uso na rin ngayon ang online or home schooling, pwede na raw pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista at okay din siya sa ganitong sistema.

“Pero kung saan siya makakahanap ng contentment and fulfillment and happiness, do’n ako. Regardless kung gusto mong mag-artista, go ahead, I’ll support you, ayusin natin studies mo,” ani Lucky.

Ngayon pa lang ay may announcement na rin si Luis sa mga gustong kumuha sa anak niya for a commercial.

“Ngayon pa lang, sa mga kumpanya, pwede n’yo po kaming kunin sa commercial as a family. Sinasabi ko na po sa inyo ngayon pa lang,” sabi ni Luis.

Natawa namang umayon si Jessy sa pagiging package deal nila.

“Opo, para makapag-ipon na rin po kami para sa baby namin,” natatawang sabi ni Jessy.

“’Yung mas malaking TF (talent fee) nu’n, kay Peanut po namin ibibigay,” dagdag ni Luis.

Sa ngayon ay nasa ika-limang buwan na ng pagbubuntis si Jessy at kamakailan nga ay nag-gender reveal sila.

Babae ang kanilang first baby na labis na ikinatuwa ng first-time lola na si Ate Vi.

AUTHOR PROFILE