Lizzie

Pamilya Aguinaldo, na-shock sa pagsabak ni Lizzie sa showbiz

June 11, 2023 Ian F. Fariñas 255 views

MAY konek sa kauna-unahang Presidente ng Pilipinas si Lizzie Aguinaldo, ang promising young singer na kamakailan lamang ay nag-launch ng debut single niyang Baka Pwede Na sa ilalim ng Star Music label.

Ayon sa showbiz newbie na mula sa Cavite, ang daddy niya ay great grandson ni Emilio Aguinaldo.

Present ang supportive mom ng dalaga sa media launch pero nang tanungin si Lizzie kung ano ang reaksyon ng pamilya niya sa pagpasok niya sa showbiz, sagot niya, “They were shocked! Kasi ako pa lang sa family namin ang first na nag-showbiz. But they understand naman na dream ko talaga ito, to be a singer and now, they’re very supportive.”

May promise naman ang baguhang singer dahil pretty ito at may talento rin sa pag-arte.

“Actually po, I auditioned po as young Darna but ‘di ako nakuha even if I gave it my best. Then I auditioned sa Vilma Santos-Christopher de Leon movie (When I Met You in Tokyo) and they’re willing to get me as a friend ni Cassy Legaspi, but then, hindi nag-fit ‘yung shooting sa schedule ng classes ko, so hindi natuloy,” kwento ni Lizzie sa press.

Anyway, may konting pa-sample naman siya sa pag-arte nang slight nang isabay sa mediacon ng debut single ang pagpapalabas sa music video ng Baka Pwede Na na idinirek ng song composer ding si Joven Tan.

Banggit ni Lizzie, marami siyang idol sa pagkanta pero pinaka rito sina Lani Misalucha, Regine Velasquez, Celine Dion, Alicia Keys at ang pumanaw na music icon na si Whitney Houston.

Sa edad na 15, nasa Grade 9 na si Lizzie sa British International School.

Sa ngayon, kaya naman daw niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagsabak sa showbiz at katunayan, suportado pa siya ng eskuwelahan niya pagdating rito.

Katunayan, kwento ni Lizzie, ikinagulat niya ang pagkalaki-laking billboard na ipinagawa ng school niya para sa Baka Pwede Na.

“Nagulat nga po ako. Kasi ‘yung billboard kasing laki ng bahay namin. Nakakatuwa!” excited na saad ng dalaga.

At dahil love song ang awitin, inusisa ng press kung na-in love o nagka-boyfriend na ba si Lizzie sa tunay na buhay.

Ang natatawang sagot niya, “Naku, ang bata ko pa po. Hahaha!”

Sakali namang payagan na siya ng mga magulang niya na makipagrelasyon, ang ideal partner daw para sa kanya ay: “Definitely, he has to be family-oriented, kasi sobrang laki ng family namin.

And also, dapat, God-fearing siya.”

Anyway, madalas nang patugtugin sa radio stations nationwide ang Baka Pwede Na.

Mapapakinggan na rin ito at maaari nang i-download sa iba’t ibang music streaming platforms.

AUTHOR PROFILE