BBM3

Pambato ng PFP sa ’25 polls ipinakakasa na ni PBBM

September 16, 2024 Chona Yu 91 views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang general assembly at national convention ng Partido Federal ng Pilipinas sa Diamond Hotel sa Maynila.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na kailangan nang talakayin kung sino ang mga magiging pambato ng partido sa 2025 midterm elections kabilang na sa senatorial race, lalo’t simula na ang filing ng certificates of candidacy sa susunod na buwan.

Dapat na rin umanong pag-usapan kung sino ang mga magiging campaign manager, ang logistics at budget sa kampanya at kailangan na ring resolbahin ang maaaring gusot sa mga kaalyadong partido, kabilang na ang posibleng paghaharap ng kanilang mga kandidato sa magkakaparehong posisyon.

Kaugnay nito, planong makipag-usap ng PFP sa iba pang partido para buuin na ang iba’t-ibang komite.

Nagbiro naman ang Pangulo at sinabing handa na si PFP vice president at special assistant to the President Antonio Lagdameo na maglabas ng limpak-limpak na salapi para sa halalan.

AUTHOR PROFILE