Pamatay
PAMATAY ang ganda at kasexyhan ng ‘Pinay beauty queen-turned-entrepreneur na si Kylie Verzosa matapos niyang paandaran ang online world sa kanyang uncanny body.
Sa kanyang Instagram post, binusog ni Kylie ang netizens ng iba’t ibang looks niya nang pumunta siya sa Paris.
Ani Kylie, “That was fun thanks Paris. fave look?” In-ispluk din ng dalaga na siya ang nag-style sa kaniyang sarili, na lalo pang nagpahanga sa netizens.
Pinatunayan umano ni Kylie kaya niyang i-slay ang lahat lalo na sa usaping fashion. Kaya naman, pinaandaran naman ng fire at heart emojis ng netizens ang naturang post.
Ilan pa sa naging komento nila ay ang mga sumusunod: “You slay everything”; “All Queen Kylie”; “Fashion influencer era.” Sey naman ni Ruffa Gutierrez, “Gorgeous.”