Huli HULI–Ang naarestong suspek na trike driver matapos murahin ang mga pulis ito habang hawak ang pana. Kuha ni Jon Jon Reyes

Pamangkin wanted tiyo natimbog

December 7, 2023 Jonjon Reyes 104 views

TIMBOG ang isang 44-anyos na tricycle driver matapos tangkain na itago ang kanyang pamangkin na target ng mga pulis para hulihin sa Vasquez St., Brgy. 696, Malate, Manila.

Ang driver mismo ang napagtanungan ng mga operatiba at hinahanap ang kanyang pamangkin na wanted sa batas pero napagkamalang mga asset ang ang mga otoridad na nagtatanong sa kanya.

Hinuli ang drive dahil sa pagtutok ng pana sabay na pasigaw na sinabing: “Tang ina nyo bakit nyo hinahanap pamgakin ko? Mga asset ba kayo?”

Dahil dito isang police corporal, si Elpidio Ammogawen Jr, ang umaksyon at sununggaban nito ang dala-dala ng suspek at natimbog ito imbes na ang kanyang pamangkin.

Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), ng Manila Police District bandang alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente.

AUTHOR PROFILE