BIR

Pamahalaan hinikayat na tulungan huwag bantaan startup unregistered online business

September 12, 2024 People's Tonight 194 views

ISANG dating government official na ngayon ay namumuno sa isang think tank group ay naghayag ng pagkabahala sa kung paano naglabas ng bansa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipapasara ang mga online businesses na hindi pa nagpaparehistro.

Ayon kay Atty. Nick Conti, convenor ng CLICK Partylist at CEO ng Capstone-Intel Corp., na dapat ay tulungan pa nga ang mga small-time startups.

Ito ay pamamagitan ng paggawang simple sa proseso at abot kaya lalo na sa maliliit sa online sellers.

Aniya, bagaman naiintindihan niya at alam niya ang nais na ipahiwatig o iparatin ng BIR, sa ilalim ng Revenue Regulations No. 15-2024, sinabi nitong baka magresulta pa ito sa pagkamatay ng small online sellers.

Naghayag ang BIR na posible nilang ipasuspinde ang online business sa ilalim ng Revenue Regulations No. 15-2024.

“The Internet Transaction Act of 2023, coupled with the BIR’s enforcement, aims to level the playing field between online and brick-and-mortar businesses, which is essential for consumer protection and trust in e-commerce,” sinabi ni Atty. Conti, dating DOTR spokesman at dating officer-in-charge ng Maritime Industry Authority.

“However, it is critical for the government to offer concrete support to startups and small online businesses, many of which lack the resources to register and comply with tax obligations,” dagdag nito.

Sabi pa ni Conti na ang online selling ang nagpagana sa maliliit na ekonomiya ng bawat Pilipino lalo na noong panahon ng pandemya.

Sa ilalim ng regulasyon ang online businesses na hindi makakapagparehistro BIR ay nahaharap sa suspensyon sa pamamagitan ng closure o take-down orders na makakaapekto sa websites, accounts, o platforms.

Sinabi ni Atty. Conti na ang regulasyon ay nagnanais ng tinatawag na fair taxation sda physical at digital platforms.

Pero may dumaraming concern na maraming unregistered online sellers ang magsasara.

Dapat ay gamitan aniya ng inclusive approach, kung saan ang pamahalaan ay tumutulong sa startups transition sa pormal na ekonomiya.

“In other countries like Singapore and the United States, startups receive government assistance through grants, tax breaks, and legal guidance to encourage compliance. The Philippines should adopt a similar model to help our small businesses grow rather than penalizing them prematurely,” sinabi nito.

Ang CLICK Partylist, na nagtutulak ng innovation at digital inclusivity, ay humihikyat sa pamahalaan na gumawa ng mga programa na mag-simplify sa registration process sa small online sellers.

AUTHOR PROFILE