Default Thumbnail

Paliparan sa hilagang Luzon ligtas matapos ang 5.5 magnitude lindol

August 28, 2022 Jun I. Legaspi 231 views

LIGTAS at nananatiling operational ang mga paliparan sa hilagang Luzon, ayon sa ulat ng mga area managers kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Manuel Antonio “Skee” Tamayo matapos tumama ang 5.5 magnitude na lindol 2:27 a.m. ng Linggo kung saan ang sentro ay nasa Pilar, Abra.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, inireport ni Area Manager 1 Ronald Estabillo na ligtas at nasa normal operational ang mga paliparan sa Region 1 na sakop ang Baguio,Laoag,Vigan,Lingayen at Pangasinan airports.

Iniulat din ni Area Manager 2 Mary Sulyn Sagorsor na ang mga commercial airports sa Tuguegarao at Cauayan sa Isabela ay wala ring natamong pinsala ng at nananatiling operational, saad ni Apolonio.

Ayon sa ulat na nakalap ng CAAP mula sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sanhi ng lindol ay dahil sa aftershock ng lindol na tumama noong 27 July 2022 sa hilagang Luzon.

Sa opisyal na report ng agency, tectonic ang lindol at 007 kilometer ang lalim nito. Ang sentro ay 44 kilometers sa Pilar, Abra.

Sa lakas ng aftershock naramdaman ang Intensity V sa Bangued, Abra, Vigan City, Ilocos Sur, Intensity IV sa Banayoyo, Ilocos Sur, Intensity III sa Sinait, Ilocos Sur,
Intensity II sa mga lugar ng Gonzaga, Cagayan; Laoag City and Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity I sa Claveria and Penablanca, Cagayan; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; San Jose, Nueva Ecija; Urdaneta, Infanta and Sison, Pangasinan; Madella, Quirino.

AUTHOR PROFILE