Julia

Pakikipagtambal kay Aga, surreal para kay Julia

July 5, 2023 Ian F. Fariñas 336 views

Julia1SURREAL para kay Julia Barretto ang pagtatambal nila ng award-winning actor at OG heartthrob na si Aga Muhlach sa upcoming Viva Films movie na Forgetting Canseco mula sa panulat at direksyon ni Denise O’Hara.

Pag-amin ni Julia sa katatapos na story conference ng pelikula, napanood at paborito niya ang blockbuster hit na Kailangan Kita na pinagtambalan ni Aga at ng tita niyang si Claudine Barretto.

Kaya nang ialok ng Viva ang proyektong pagsasamahan nila ni Aga, halos hindi siya makapaniwala lalo pa nga’t may pagka-May-December affair ang tema.

“I don’t know, is this real life? Totoo ba ‘to? I’m so deeply honored and really grateful to be a part of this,” panimula ng aktres.

“Obviously, duh!? Legend! The heartthrob, the legend! But, you know, kidding aside… but it’s the truth, I think since before ‘pag tinatanong ako kung sino ‘yung gusto ko talagang makatrabaho I would really always say… how can I, nahihiya pa rin ako, how can I address (Aga)? Nakakakaba talaga,” patuloy ni Julia.

Kwento pa niya, “Actually nu’ng look test, kinailangan ko pang magpa-send ng photos natin from the look test dahil sinend ko ‘yon agad kela mommy. Alam nilang dream project ko ‘to so they’re really excited, they’re really happy that this is happening. I’m really overwhelmed!”

Kung “surreal” para kay Julia ang pakikipagtambal kay Aga, ang aktor naman, kabado sa pakikipagtrabaho sa kasing bata ni Julia.

Matatandaan na 2019 pa huling gumawa ng pelikula si Aga, ang top-grossing Metro Manila Film Festival entry ng Viva na Miracle in Cell No. 7, kaya ganu’n na lang ang excitement niya sa muling pag- harap sa kamera.

Mas naging espesyal pa ang Forgetting Canseco dahil sa Baguio kukunan ni Direk Denise ang mga eksena at magsisilbi rin itong homage sa yumaong OPM genius na si George Canseco.

“I’m really excited and nervous, but it’s gonna be nice to be working with Julia,” sambit ni Aga kaugnay ng proyekto na labis namang ikinakilig ni Julia.

“Yeah, I am, I am, I am! Super!” dugtong ni Aga.

Base sa storyline ni Direk Denise, gagampanan ni Julia ang karakter ni Jasmine na nangangarap maging parte ng isang renowned chorale.

Si Aga naman si Michael, ang bago pero istriktong conductor/arranger ng choir na hiwalay sa asawang career woman (Cindy Miranda).

Kasama rin sa cast sina Noni Buencamino, Boboy Garovillo, Frost Sandoval, Nicole Omillo, Jean Kiley, Janine Teñoso, atbp.

Sundot ni Aga, “It’s a blessing to be offered and to be able to work and experience Julia at this point in time sa buhay ko. And, so, really, like what she said, there’s nothing but gratitude also sa akin. And I’m nervous also, nervous because, ‘di ba, love story, ‘di ba? Parang masaya, ‘di ba?

“I play my age… her age and my age and then the rest, abangan n’yo na lang. Pinag-uusapan namin ni Direk ang tamang timpla. In reality naman it happens, there’s no age in love,” paliwanag pa ni Aga kung bakit niya tinanggap ang Forgetting Canseco.

AUTHOR PROFILE