Pakikipaglaplapan ni Nadine may blessing ng non-showbiz BF
Napanood na ng boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou ang kissing scene ng aktres sa 50th Metro Manila Film Festival entry na “Uninvited” dahil naroroon siya mismo sa set nang kunan ito.
“I was there on the shooting. Interesting. I was also in the premiere of ‘Deleter’ last year, but I feel like ‘Uninvited’ is going to be bigger,” sey ni Chris sa isang recent interview.
“For me, it’s very interesting to be behind the scenes,” sey pa niya. “I’ve seen her kissing (scenes). For me, it’s almost funny.”
Sabi naman ni Nadine, sinabi agad sa boyfriend ang mga eksenang gagawin niya.
“When I read the script the first time, I told him about it. I told him, ‘I don’t know if I can do it’. He knows all the scenes. He knows my character,” sey ng aktres.
Hirit naman ni Chris, “I think it was one take, and everyone said it was okay.”
Pinuri rin niya ang GF sa pagiging hardworking nito sa lahat ng bagay.
“She’s probably, by far, the most hardworking person I’ve ever met,” ang paglalarawan ni Chris kay Nadine.
“I cook a lot for her, I help her also. We try to make the decisions together,” sey pa niya.
‘PAMBANSANG JUMPER’ NAMAALAM
Namaalam na sa “FPJ’s Batang Quiapo” ang karakter ni Mercedes Cabral na si Lena, ang isa sa mga pinaka sinusumpang kontrabida sa primetime TV.
Buong pusong nagpasalamat si Mercedes kina Coco Martin at sa mga tagasubaybay ng Kapamilya teleserye para sa labis na tiwala at pagmamahal na pinaramdam sa kanya sa pagganap kay Lena.
Nabaril at napatay ni Rigor (John Estrada) si Lena upang mailigtas si Marites (Cherry Pie Picache) sa pananaksak ng dating dyowa. Bago pa nito, tuluyan nang nakain si Lena ng matinding galit at poot nang masiraan siya ng bait dahil sa paghihiwalay nila ni Rigor at sa pagkamatay ng anak nila.
Inamin naman ni Mercedes na mami-miss niyang ka-eksena ang kanyang co-stars, lalong-lalo na sina Cherry Pie at Direk Joel Lamangan, dahil hindi niya inakalang ganu’n kaganda ang magiging chemistry nila.
Halos gabi-gabing pinag-uusapan at ginawan ng iba’t ibang trending memes ang karakter ni Lena dahil sa inis ng mga manonood sa kanya bilang kabit ni Rigor. Naging instant hit si Lena at pinuri naman si Mercedes sa husay niya sa pag-arte.
Bukod sa pagbansag sa kanya bilang “pambansang jumper,” nagkalat din online ang kaliwa’t kanan na videos kung saan ginagaya ng netizens ang ilang mga sikat na linya ni Lena tulad ng “gusto ko ng liempo” at ang pabebeng pagsabi ng “Righoouur.”
Patuloy na napapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” gabi-gabi ng 8 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.