Janno Gibbs

Pakikipagbati, idinaan ni Janno sa manager ni Kitkat

May 19, 2021 People's Tonight 315 views

NAGKAROON ng writer’s block si Janno Gibbs kaya natagalan bago siya nakabuo ng isang kanta.

Kaya naman all out si Janno sa bagong single na Pangmalakasan under Viva Records after more than a decade.

“Madalas hindi ako makabuo. Ngayon lang ako nakagawa ng isang buong kanta. Parang funk version ito ng song kong Pinakamagandang Lalake.

“Eh, alam mo naman, kadalasan sa kanta ngayon panay hugot. Eh, after this, ballad naman ang request sa akin,” pahayag ni Janno sa virtual launch ng single.

Naging open din ang singer-actor-host sa pagsasalita tungkol sa isyu sa kanila ni KitKat na nakasama niya sa isang noontime show sa Net 25.

“I tried to reach out to her through her manager. Eh, hindi rin kami nagkabati.

“Ako naman I don’t hold grudges. Tapos na sa akin ’yon. Hindi na nga lang kami nakabalik sa noontime show,” pahayag ni Janno.

Kilala si Janno sa hit song niya sa version ng Ipagpatawad Mo. Since then, nagtuluy-tuloy na siya sa paggawa ng kanta, paglabas sa movies at TV.

Pagdating sa movies, waiting na siya sa release ng local version ng Korean movie na A Hard Day with Dingdong Dantes at ang isa pang pelikula na Mang Jose na mula sa kanta ng Parokya ni Edgar.

Ang bago sa Mang Jose, bukod sa isa siyang super hero, kasama ni Janno bilang leading ladies sina Bing Lozyaga at Manilyn Reynes.

“Magkasama sila sa isang tent. ’Pag pumapasok ako sa tent, pareho nila akong binu-bully, hahaha!” chika niya.

Nasa bahay nila si Janno sa virtual interview habang si Bing at mga anak ay nasa grocery.

Available na ang kanta niyang Pangmalakasan sa Spotify, Apple Music at iba pang streaming platforms.

Swak na swak kay Janno ang kantang Pangmalakasan, huh!

AUTHOR PROFILE