
PAKIKIPAG-AYOS KINA MOMMY DIVINE AT DADDY DELFIN, REGALO NI MATTEO SA MGA MAGULANG NIYA
Pangarap pa rin ni Matteo Guidicelli na magkasama-sama ang dalawang pamilya nila ni Sarah Geronimo.
“’Yun ‘yung main goal,” anang aktor sa panayam niya sa latest vlog ni Karen Davila.
“’Di ba, ‘yung main goal sa isang marriage is two families becoming one sitting in one table, having a good time together, ‘yun ‘yung goal ng lahat, ‘di ba?” aniya.
Ito ang regalong gusto niya ring ibigay sa kanyang mga magulang – na makasama ng mga ito ang mga balaeng sina Daddy Delfin at Mommy Divine.
“I think, that would be the ultimate gift I can give my Mama and Papa, that we can sit in one table with my in-laws and have a good time, have a nice pizza and pasta together,” he said.
Tinanong ni Karen kung nag-reach na ba sila ni Sarah kay Daddy Delfin and Mommy Divine at anang aktor, “Yeah, I think, you know… they’re ‘okay, okay’ and then time will heal din. Time is the most valuable thing in the world kumbaga and sometimes… time lang.”
Matatandaan na mula nang ikasal sina Matteo at Sarah noong 2020 ay hindi pa sila nagkakasundo ng mga magulang ng Popstar at maging ang publiko at AshMatt fans ay nagwi-wish na sana’y dumating na rin ang panahon na maging okay na ang lahat at magsama-sama ang dalawang pamilya ng mag-asawa.