Pakagat
NAGLIPANA nga sa comment section ang mga kelot na bet maging bampira para lang makagat ang isa sa mga newest sexy star ng Vivamax na si Athena Red.
Sa Instagram, dinala ng Vivamax actress ang palaban niyang pag-awra mula sa larawang ibinahagi.
Titig pa lang ng hot actress, talagang kaakit-akit na, pero kung titigan siya dahan-dahan pababa, bubulaga ang sumisirit niyang karisma.
“Giving you permission to think about me every now and then,” wika niya sa caption ng post.
Bubungad nga ang pamatay na wangkata ni Athena. Swabe ang kurba ng bebot sa suot niyang two-piece purple underwear.
Tamang timpla ang kanyang innocent vibes at hotness. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanyang mestiza beauty na nagmula sa pinaghalo-halong lahi na Pinoy, Kuwaiti, at Espanyol.
Nawindang ang mga kelot niyang followers sa post, kaya naman pinaulanan nila ng puso ang mga larawan ng sexy star.
Tampok si Athena sa kalalabas pa lang na original film ng nasabing subscription based, video on-demand app na ‘Pintor at Paraluman’ sa direksyon ni Marc Misa.
Kasama ng Vivamax new breed ang iba pang sexy stars na tulad niya kabilang na sina Ali Asistio, Yda Manzano, Skye Gonzaga, at Juan Calma.