DFA

Pahirap sa pagkuha ng pasaporte inapila ng turismo sa Pangulo

October 24, 2021 People's Tonight 266 views

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo R. Duterte at kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) sa ngalan ng libu-libong Pilipino na nahihirapang makakuha ng pasaporte mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ilang buwan nang walang slots online para sa appointment ng mga passport applicants dahil sa backlog sa processing ng passports na isinasagawa ng skeleton staff ng DFA head office sa Parañaque City at sa consular offices sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.

Nagsumamo kay Pangulong Duterte at Kalihim Locsin na magdagsag ng slots for appointments at staff para sa mas mabilis na processing at issuance ng Philippine passports maging sa mga foreign service posts sa ibang bansa tulad ng United States.

Wala nang available slots for appointment para sa mga passport applicants hanggang April 2022.

Ayon kay TURISMO Partylist nominee Edmund Mayormita maraming Pilipino kabilang na ang dual citizens na gustong makauwi ng Pilipinas sa kapaskuhan.

“Bagamat welcome silang umuwi sa ilalim ng Balikbayan program nang walang visa at magpakita lamang ng birth certificate, mas mabuting makakuha sila ng valid Philippine passport upang kilalanin sila bilang Pilipino,” sabi ni Mayormita.

Marami ring overseas Filipino workers (OFWs) ang naaantala ang deployment dahil delayed ang delivery ng kanilang Philippine passports na bayad na.

AUTHOR PROFILE