Kyline

Pahayag ni Kyline sa pag-amin ni Kobe inaabangan ng fans

November 3, 2024 Vinia Vivar 91 views

Finally ay umamin na rin si Kobe Paras na sila na ni Kyline Alcantara.

Sa video interview na inilabas ng Cosmopolitan sa kanilang Instagram account ay mapapanood na tinanong siya kung sino ang kanang biggest crush.

Walang kagatol-gatol na sagot ni Kobe, “Kyline Alcantara because we are dating!”

Kinilig naman ang netizens sa confession ni Kobe at marami ang pumuri na siya ang unang umamin bilang lalaki.

Matatandaang ilang beses na ring natanong si Kyline kung ano ang real score sa kanila ni Kobe pero ang lagi nga niyang sagot ay “what you see is what you get.”

Aniya pa, “I don’t owe the public any explanation.”

Sa ngayon ay wala pa ring pahayag si Kyline sa pag-amin ni Kobe.

CLAUDINE MAY MENSAHE KAY ARCHIE

Nagpahayag ng suporta si Claudine Barretto kay Rita Daniela sa laban nito kay Archie Alemania.

Matatandaang naghain ng reklamong acts of lasciviousness si Rita laban kay Archie nitong nakaraang Miyerkules sa Bacoor Prosecutor’s Office.

Sa Instagram account ni Claudine ay ibinahagi niya ang mga larawan ng video call nila ni Rita.

Makikita sa mga larawan na umiiyak si Rita.

Sa caption ay sinabi ni Claudine na nakahanda siyang protektahan si Rita.

“D po ako nakikisawsaw sa mga naglalabasang issue.Rita has been a true blooded Claudinian! supporting me through ny highs & lows,” simula ni Claudine.

“Claudinian man si @missritadaniela o kahit sino d claudinian it DOES NOT MATTER!!! she is A MOTHER! A SINGLE MOTHER & FATHER. i WENT OUT OF MY WAY TO BE THERE FOR RITA.

“Sa mga nagsasabi o magsasabi ginagamit nya ako pls know that she isn’t. why am i in the middle of a crossfire BEACAUSE I BELIEVE & WILL PROTECT HER,” patuloy niya.

Pagkatapos nito ay hinamon ng aktres si Archie na harapin siya.

“TO HER PERPETRATOR AKO HARAPIN MO! APOLOGIZE BEFORE ITS TOO LATE BOY ,” mensahe niya kay Archie.

“Nakiki usap at nag mamakaawa ako pls let us not VICTIM BLAME HERE. let’s pls show her our compassion & luv,” pakiusap pa ni Claudine sa netizens.

“I have nothing against the perpetrator & am willing to mediate if Rita wants,” sey pa niya.

Muli ay pinayuhan niya si Archie na mag-apologize at aminin ang pagkakamali.

“If u broke someone pls have the heart to genuinely apologize.it wont make you a less of a man to admit.choosing to b responsible & owning up to your actions and mistakes will be good for your soult.what you have done is beyond just trauma. the damage has been done,” mensahe ni Claudine kay Archie.

Sinabi rin ng aktres na balak daw makipaglaban ni Archie sa korte.

“Makikipag laban ka daw sa Korte to clear your image & name & i respect you doing this for your family.its easier to own up & apologize.u have a family,” sey niya sa aktor.

Sinabi rin ni Claudine na biktima rin siya ng pang-aabuso noon at hindi na siya nagbigay ng detalye tungkol dito.

“I will always protect anyone who is going through this for i myself was a VICTIM YEARS AGO!” saad ni Claudine.

Mensahe naman ng aktres kay Rita, “Rita u are strong & loved. God hears u.i am HERE FOR YOU!!! @missritadaniela .”

COCO INULAN NG B-DAY GREETINGS

Kitang-kita kung gaano ka-well-loved si Coco Martin sa showbiz sa rami ng mga bumati sa kanyang taga-industriya sa kaarawan niya last Nov. 1.

Siyempre, nanguna sa pagbati ang mga kasamahan niya sa FPJ’s Batang Quiapo na binigyan pa siya ng birthday surprise sa set na makikita sa official Instagram page ni Coco.

Isa si Cherry Pie Picache sa mga nagbigay ng madamdaming birthday greetings kay Coco.

Si Cherry Pie ang gumaganap na Marites na nanay ni Tanggol (Coco) sa BQ .

“Sa napaka gwapo at napaka buti kong anak, Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!!!! Laging nasa likod mo. Mahal na mahal ka namin ni Nio!!! Cheers,” ang birthday message ni Cherry Pie for Coco.

Ang ganda rin ng birthday greetings ni John Estrada na gumaganap namang Rigor, tatay ni Tanggol.

“Sa aking pinaka mamahal na hari, kapatid at kaibigan, Happy happy birthday Co. Sabi ko nga sa yo e halos lahat e na sa sayo na, ang dasal ko nalang talaga sa Diyos e yung, ilayo ka sa kapahamakan at sa karamdama. I love you co, happy birthday,” mensahe ni John.

Pero siyempre, hindi rin nakalimot si Julia Montes na batiin ang long-time boyfriend.

“Super proud of you. Happy Happy Birthday,” ang simpleng mensahe ni Julia for Coco na umani ng katakot-takot na reaksyon mula sa kanilang fans.

AUTHOR PROFILE