Alfred

Pagyoyosi ng co-star, ikinaloka ni Ina!

March 1, 2023 Vinia Vivar 363 views

Maging si Ina Raymundo pala ay nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa mga batang artista natin ngayon.

Sa cast reveal ng pelikulang Pieta, natanong ang cast at ang direktor na si Adolf Alix Jr. kung nakaranas din ba siya ng hindi magandang attitude ng ating mga young star since may mga veteran star na ngang naunang nagbahagi ng kanilang karanasan.

Ayon kay Ina, ang experience niya sa isang young star na ito ay naninigarilyo ito sa kanilang kwarto.

“Nagyoyosi siya. Nasa isang maliit kami na room na walang bintana, tapos, nagyoyosi siya sa loob. May mga bata, as in siksikan kami sa room, nagyoyosi siya sa loob,” kwento ni Ina.

Talaga raw na-shock siya that time sa young star na ito na walang pakialam sa mga kasamahan niya at walang tigil sa kayoyosi.

“Hindi ba niya alam na nasu-suffocate kami sa yosi niya pero walang gustong magsabi sa kanya,” tsika pa niya.

Bale ba ay may asthma raw siya kaya naloka siya at talagang tumatak daw sa kanya ang co-star na ito.

Ayaw sabihin ni Ina kung aktor or aktres ito pero nadulas siya nang banggitin niya ang word na “her.”

“Sana nagbago na siya kasi that’s bad for her health,” sey ni Ina kaya tawanan dahil hindi sinasadyang nasabi na niya ang gender.

Natawa rin si Ina at sey niya, “I should have stopped.”

Anyway, isa si Ina sa cast ng Pieta na pinu-produce ni Alfred Vargas who’s also one of the lead cast along with Superstar Nora Aunor.

Bukod kina Ate Guy, Alfred at Ina, kasama rin sa pelikula ang mga premyadong aktor na sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Angeli Bayani at Tommy Alejandrino.

Written by Carlos Palanca-winner Jerry Gracio to be directed by Adolf Alix Jr., Pieta starts filming this March.

Hopefully ay maipalabas ito sa Mayo bilang Mother’s Day offering.

AUTHOR PROFILE