Pagtitipon sa Caloocan kinuwestiyon ng netizens
VIRAL sa social media ang ipinatawag na pulong ni Caloocan City Rep. (District 2) Egay Erice sa mga residente ng Barangay 28 sa Garlic Court.
Ang pagtitipon ay kinuwestiyon ng mga netizens dahil maituturing umanong paglabag ito sa minimum health protocols.
Ito ay dahil hindi umano nasunod ang physical distancing ng may isang metro sa mga lugar pampubliko.
Ang Caloocan City ay sakop ng Metro Manila na nasa ilalim ng GCQ with restrictions.
Sinubukang kunin ang pahayag ni Erice ukol sa pagpupulong. As of presstime ay hinihintay pa ang kanyang paliwanag ukol sa insidente.