Pagtatrabaho sa Kapuso channel, ’di ipinagpaalam ni Xian kay Kim

September 3, 2021 Ian F. Fariñas 330 views

SURREAL” sa pakiramdam ni Xian Lim ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA Network para magbida sa teleseryeng Love, Die, Repeat kasama si Jennylyn Mercado.

Sa virtual mediacon kahapon para sa Viva talent at dating Kapamilya actor, sinabi ni Xian na excited siyang makatrabaho, hindi lamang si Jennylyn, kundi maging ang iba pang Kapuso stars tulad ng Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Una po sa lahat, being considered for a project, it is a huge… I’m very thankful du’n pa lang po sa pagkabanggit ng pangalan ko.

“I’m just very passionate with my work. And as an artist, I love taking on projects na kakaiba and I wanna take on, you know, something that will excite, at the same time, the audience,” panimula niya.

First time magkakatrabaho nina Xian at Jennylyn sa seryeng pamamahalaan ni Direk Irene Villamor. Pero banggit ng aktor, fan siya ng dalawa at katunayan, bilib siya sa trabaho ng lady director na nakasama na rin niya sa ilang proyekto noon.

“Excited po ako dahil ang makakasama ko ay completely different sa usual na nakakatrabaho ko. Other than that, nag-uumapaw naman ’yung excitement for work and ’yung proseso po ng… to be able to start. Kasi binanggit din po nila ’yung magiging direktor po namin dito sa teleserye, which is si Direk Irene and instantly nu’ng narinig ko po ’yung pangalan niya, I was on board because nagkatrabaho na kami sa ilang pelikula po years back. From my very first film to the project with Miss Vilma Santos to now, I’ve always been a fan of Direk Irene. Nakakatuwa na magkakatrabaho uli kami,” sabi pa ni Xian.

Nang tanungin kung ipinagpaalam ba niya sa girlfriend na si Kim Chiu ang pagtatrabaho sa Kapuso channel, hindi ang isinagot ni Xian.

Paliwanag niya, “Kami po kasi ni Kim, we’re really supportive of sa mga proyekto na ginagawa namin, mapa-pelikula po ’yan, mapa-teleserye, mapa-working with other actors and, in this case, network.

“At this point, we’ve come to realize na we grow as a couple at the same time we grow as individuals, dahil ayun po, ’yung tandem po na KimXi, it will always be there naman po.

“It’s always gonna be there. ’Yung pagmamahal, its always gonna be there and we support each other, basically.”

Isa pa, hindi raw sila ’yung tipo ng magkarelasyon na kailangang magpaalam pagdating sa career moves.

Sa ngayon, naka-quarantine na ang stars at production team ng Love, Die, Repeat sa isang hotel at online ang ginagawang workshop ni Direk Irene para maka-establish ng rapport at chemistry sa cast.

Saglit pa lang nagkikita nang personal sina Xian at Jennylyn at ito ay nangyari nang magpa-swab sila para sa napipintong lock-in taping.

“Kami po ni Jen, hindi pa talaga nagkikita in person. I think a few days ago lang nu’ng nag-take kami ng swab test para sa quarantine,” banggit ni Xian.

Mabilis lang daw ang pagkikitang iyon pero kahit papaano ay nakapagkwentuhan naman sila nang konti although pareho silang naka-face mask.

Ang kwento ng Love, Die, Repeat ay iikot sa pagmamahalan ng isang couple, ng pamilya at acceptance ng bawat isa sa pagiging miyembro ng pamilya.

TWBU2JASMINE, NAGPASALAMAT SA best actress nomination

FIRST time ni Jasmine Curtis Smith na makakuha ng nominasyon for best actress sa Gawad Urian para sa pelikulang Alter Me kaya naman ganu’n na lang ang saya niya nang malaman ang magandang balita.

Anang love interest ni Alden Richards sa seryeng The World Between Us, “Salamat po sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino, I am always very honored and grateful to be recognized by your prestigious committee for my roles and to be among the best actresses of this industry!”

Kasalukuyang nasa season break ang top-rating The World Between Us series nina Jasmine, Alden at Tom Rodriguez kaya naman may panahon silang makapag-recharge mula sa intense season ender episode nu’ng Biyernes.

Dalawang buwan magbabakasyon ang produksyon sa ilalim ni Direk Dominic Zapata at sa November 15 ay balik-ere na ang kinakikiligang TV pair na sina Louie (Alden) at Lia (Jasmine).

AUTHOR PROFILE