Villar

Pagtatag ng hatchery project isinisulong

September 11, 2024 PS Jun M. Sarmiento 123 views

NAIS ni Sen. Cynthia A. Villar na isulong ang panukala na makatutulong sa industriya ng agikultura kung saan ay naglatag siya ng anim na hatchery bills na naglalayong suportahan at pagandahin ang buhay ng mga Pilipino, partikular na ang mga mangingisda, habang tinutugunan ang kahirapan sa mga kanayunan.

“By championing this initiative, we aim to revolutionize our nation’s aquaculture industry, bolster our fish supply, fortify our food security, and drive meaningful rural development,” pahayag ni Villar sa kanyang sponsorship speech sa plenaryo.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga proyektong ito, na sinasabing magiging sagot sa gutom at kakulangan ng pagkain na dinadanas ng maraming Pilipino sa kasalukuyan.

“These hatchery projects are indispensable in addressing the critical shortage of fish seedings, cornerstone for the growth and sustainability of our aquaculture sector.” ani Villar.

Inilahad din ni Villar ang kanyang mga nagawa at mga naipasa na batas na may kaugnayan din dito.

“To date, I have successfully passed 41 hatchery laws, spanning 57 locations nationwide, all designated with a singular purpose to empower our fisherfolk and uplift our nation. Passing this measure is not merely a legislative act, but a decisive step toward uplifting rural communities, combating poverty, and ensuring that every Filipino has access to affordable nutritious food.” ani Villar.

Ang mga panukalang batas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

– House Bill No. 3092: Paglikha ng isang multi-species marine hatchery sa bayan ng Liloy, Zamboanga Del Norte;

– House Bill No. 6338: Paglikha ng isang multi-species marine hatchery sa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur;

– House Bill No. 7499: Paglikha ng isang multi-species marine hatchery sa Lungsod ng Zamboanga;

– House Bill No. 6337: Paglikha ng isang multi-species marine hatchery sa bayan ng Baybay, Leyte;

– House Bill No. 7296: Paglikha ng isang coastal aquaculture center upang suportahan at rehabilitahin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Northern Mindanao brackish water aquaculture fish farm sa bayan ng Lala, Lanao Del Norte;

– House Bill No. 7300: Paglikha ng isang multi-species marine hatchery sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur.

Binigyang-diin ni Villar ang pangangailangan at suportahan na dapat ibigay ng pamahalaan sa industriya ng aquaculture, bilang isang sektor na aktibong isinusulong ng kasalukuyang administrasyon para makatulong sa marami natin na kababayan .