
Pagtanggi sa solo shots nila ni Ion sa ABS-CBN Ball, ipinaliwanag ni Vice
Ipinaliwanag ni Vice Ganda kung bakit niya tinanggihan ang mga media photographer sa ABS-CBN Ball 2023 na kunan sila ng solo shots ng dyowa at ka-date niyang si Ion Perez.
Sa Instagram, itsinika ng Unkabogable Star na ilang beses silang nahilingan to pose for solo shots pero hindi nila pinagbigyan.
Aniya, “At the red carpet of the ABS CBN Ball we were both asked multiple times for solo shots and we firmly said NO. Cause WE ARE ONE.”
Kinilig naman ang netizens lalo na nga’t sumagot pa si Ion sa comment section.
“Na unahan moko dito asawako,” komento ni Ion.
Reaksyon ng isang follower, “medyo kinilig ako pagsabi ni kua ion Kay meme ng Asawa ko😭😭😭.”
Sey naman ng isang supporter, “YASSSS MA!!!!!! A WALKING PROUD STATEMENT!!!!!!”
Sabi naman ng isang netizen, “Hahaha kabog ang we are one dinaig ang sayings ng Exo we are one.”
Inggit much naman ang isa pang IG user na nagkomento ng, “Sana all may Ion!!! Inggit much! Happy for you meme Vice @praybeytbenjamin and Ion.”