Default Thumbnail

Pagsama sa ASF vax program mas pinadali

November 29, 2024 Cory Martinez 93 views

MAS madali na ang mga requirement na kailangan sundin ng mga magbababoy upang mapasama sila sa African Swine Fever (ASF) vaccination program ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay matapos na amyendahan ng DA ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng controlled use ng ASF vaccine.

Sa inilabas na Administrative Circular No. 13, Series of 2024 na nilagdaan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng pag-amyenda ng mga panuntunan na higit pang maprotektahan ng industriya ng pagbababoy sa bansa laban sa epekto ng ASF.

Ayon kay Tiu Laurel, sa pamamagitan ng revised guidelines, mapapabilis ang rollout ng ASF vaccination campaign sa mga pangunahing lugar partikular na sa mga barangay na walang aktibong kaso ng ASF sa loob ng 40 na araw o sa mga negatibo ang ASF ASF surveillance results sa Red at Pink Zones.

Bukod sa napadaling requirement, kinakailangan din tumupad ang mga magbababoy sa strict monitoring protocols.

Kailangan ma-inspeksyon ang mga vaccinated farm kasama na ang regular na documentation na isusumite sa BAI.

Kabilang sa documentation na ito ang sample collection at testing procedures upang matiyak na walang ASF ang mga baboy na binakunahan.

Sa ilalim pa rin ng bagong circular, kabilang din ang guidelines para sa pagbiyahe sa mga nabakunahang baboy na kinakailangan ang clearance base sa health at testing outcomes.

Kinakailangan din ng depopulation ng mga baboy na positibo sa ASF at yung nagpapakita ng clinical symptom.

Inaasahan naman ng DA na lalong mapa-igting ang mga biosecurity measure sa pamamagitan ng inamyendahang protocol at mabawasan ang banta ng ASF outbreak sa bansa. Dahil dito, mapoprotektahan na ang kabuhayan ng mga magbababoy at ang food security sa buong bansa.

AUTHOR PROFILE