Tansingco

Pagpuga ng Chinese kidnap suspek naunsyami

February 22, 2024 Jun I. Legaspi 118 views

NAPIGILAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang paglabas ng Pilipinas ng isang Chinese national na nahaharap sa kidnapping at pagdetine sa isang indibidwal sa Pampanga, may tatlong taon na ang nakararaan.

Sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naharang ng mga tauhan ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) ang 25-anyos na Chinese na nagtangkang tumakas papuntang Singapore.

Hinarang ang dayuhan matapos makumpirma ng immigration supervisors on duty na mayroong hold departure order (HDO) laban sa kanya na inisyu ng regional trial court sa Angeles City.

Batay sa record, may kasong kidnapping at serious illegal detention for ransom laban sa nasabing pasahero at tatlo pang Chinese na isinampa sa Angeles City RTC Branch 56 noong March 30, 2020.

Lumitaw na nagsabwatan ang apat upang pwersahang dukutin at ikulong ang kanilang kapwa-Chinese sa loob ng mahigit dalawang linggo at nanghingi ng ransom na 300,000 renminbi.

Nailigtas naman ang biktima sa operasyon ng PNP anti-kidnapping task force noong March 15, 2020.

“His attempt to flee was foiled by our officers. Because of his existing HDO, we cannot allow him to leave until he faces the case filed against him,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

AUTHOR PROFILE