Pagpapauwi ng mga PH sa ME kailangan na ayon kay Romualdez
VIENTIANE — Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa utos na gamitin ang lahat ng assets ng gobyerno para makauwi sa bansa ang mga Filipino na naiipit sa gulo sa Middle East.
Sa ambush interview kay Romualdez sa 44th at 45 ASEAN Summits at Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic, sinabi nito na kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino lalot pinalakas pa ng Israel ang opens iba sa Hezbollah sa Lebanon.
Kasama si Romualdez sa ipinatawag na zoom meeting ni Pangulong Marcos.
“The President’s decision to prioritize the safety of our countrymen, even while attending the 44th and 45th ASEAN Summit in Laos, reflects his deep concern and dedication to every Filipino,” pahayag ni Romualdez.
Sabi ni Romualdez, isang urgent call ang ginawa ni Pangulong Marcos.
“There was growing tension in the Middle East and we have to secure our Filipinos there. We wanted to make the security arrangements and assure them that amidst the growing tensions, we secure our Filipinos in the region,” pahayag ni Romualdez.
Assets ng gobyerno pinagagamit ni PBBM para mailigtas mga Pinoy na naiipit sa gulo sa ME
Inatasan ni Marcos Jr. ang mga relevant government agencies na gamitin ang lahat ng available assets para masiguro na ligtas at napapanahon ang repatriation sa mga Filipino na apektado ng gulo sa Middle East.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos nang magpatawag ng zoom meeting nang magkaroon ng break sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic.
*We are now going to evacuate our people by whatever means – by air, or by sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na tinutukan na ng gobyerno ang lagay ng mga Filipino sa Middle East.
“And, just make all the preparations so that malapit na lahat ng asset natin. Kung may barko tayong kukunin, nandiyan na malapit na sa Beirut na sandali lang basta’t the Embassy gives us the clearance and they say that our people can go, mailabas na kaagad natin so that hindi sila naghihintay ng matagal in danger areas,” dagdag ng Pangulo.
Kasama sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Defense Secretary Gilberto Teodoro, Migrant Workers Secretaey Hans Leo Cacdac at National Security Adviser Eduardo Año.
Ilang Filipino na ang naiulat na naiipit sa gulo sa Israel, Lebanon at Iran.
*”We are going to have to evacuate them. Now, the means by which we will do that is something that we still have to determine because it is an evolving situation. So, bantayan na lang natin,”* dagdag ni Pangulong Marcos.
Sinabi naman ni Teodoro na sa ngayon, hinihintay na lamang ang clearance para masimulan ang repatriation ng mga Filipino sa Lebanon.
“We’re ready, willing and able [to repatriate Filipinos] at any time. We’re just waiting for the diplomatic clearances of the expatriates to be processed out of Beirut,” sabi ni Teodoro kay Pangulong Marcos.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat na gagawin ang lahat ng paraan para mapabilis ang exit clearance at mapadali ang repatriation sa mga Filipino.
As of Oct. 8, nasa 1, 721 na application ng repatriation ang natanggap na ng Philippine Embassy sa Beirut. Sa naturang bilang, 511 ang naiuwi na sa bansa habang 171 ang handa na sa repatriation.