Nurse

Pagpaparami ng mga nurse sa bansa, tinutugunan na ng PBBM admin

February 23, 2024 Chona Yu 73 views

GUMUGULONG na ang mga programa ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor para matugunan ang kakapusan sa mga nurse sa bansa.

Ulat ito ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector Group sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang.

Ayon kay PSAC Health Sector Lead Paolo Borromeo, President and CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc., sa ilalim ng Clinical Care Associates (CCA) Program para sa underboard nursing graduates, nasa higit 300 na ang na-hire sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Para matulungan ang mga CCA na maging nurses, naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) ng P20 milyon para sa board reviews ng 1,000 Clinical Care Associates (CCAs) para ngayong taon.

Ayon kay Borromeo, magpapatuloy ang CCA recruitment para sa November 2024 nursing board examination, at gagawin rin ito para sa 2025 board exams.

Ang Enhanced Master’s Nursing Program naman, imbes na tatlong taon ay pinaiksi ng CHED sa isang taon na lang para makapagturo agad ang mga gradute nito.

Sa bilateral labor agreeements sa ibang bansa, mayroon nang naselyuhang kasunduan sa Austrian government para sa scholarships, faculty support, at adopt-a-school/hospital scheme.

“That’s an instant addition to our nursing population. If we are able to fill the seats that Chair Popoy (CHED Chairman Prospero de Vera III) that was able to get that’s a thousand CCAs but now 300 pa lang. A thousand CCAs is not a small number in a country where we graduate about 7,000 to 10,000 nurses a year,” pahayag ni Borromeo.

AUTHOR PROFILE