Darryl1

Pagpapalit ng title ng pelikula dinenay ni Darryl

January 12, 2025 Ian F. Fariñas 87 views

HINDI umano niya pinalitan ang titulo ng kontrobersyal na pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Ito ang mariing nilinaw ng direktor na si Darryl Yap sa kanyang Facebook post kahapon.

May napabalita kasi na “Pepsi Paloma” na lang ang titulo ng movie na ugat ng pagsasampa ni Vic Sotto ng 19 counts ng cyber libel laban kay Darryl.

Ito ay bunsod ng unang teaser/trailer na inilabas ng Vincentiments online kung saan binanggit ang pangalan ng beteranong TV host/comedian.

Paglilinaw ni Darryl, “Hindi po binago ang title ng #TROPP #TROPP2025 THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA,

“meron lamang pong mga sinehan sa bansa ang nagpauna nang nagsabing hindi sila maaaring magpaskil ng salitang RAPISTS kaya ang makikita lang sa kanila ay #PEPSIPALOMA.

“Ako po ay 7 years pa lamang sa Industry,

“walang sapat na makinarya laban sa trolls,

“fake news, pag pabor ng mainstream media

“Ang Pelikula po, mabawasan man o madagdagan ng salita o kataga, iisa lamang ang basa—

KATOTOHANAN.

“Pakaabangan ang Official Trailer

“at ang pag-aanunsyo kung kailan sa Pebrero

“ipalalabas ang aming munting Pelikula.”

Sa nauna namang FB post ay itinuwid din ng direktor ang haka-haka ng tinawag niyang “trolls” na si Sen. Imee Marcos ang nasa likod ng pinag-uusapang proyekto.

Ani Darryl, “hindi si Imee.

“ang mga kaibigan ko, wala sa likod ko. katabi ko.

“ayaw nya nga gumawa ako ng pelikula dahil di ako makagawa ng series para sa kampanya nya —

di sila magkaaway ng mga binabanggit nyo.”

Dugtong pa ni Darryl, “hindi si Jalosjos

“gagawa ba ako ng pelikula na may insidente ng rape tapos ang magpoproduce may rape case

“hindi si Discaya

“hindi ko nga kilala yan, wala naman akong pinagawa sa construction nila—hindi porket mayaman, kaibigan ko na.

“kaya 2025 ilalabas dahil 40th Death Anniversary ni Pepsi Paloma.

“Hindi dahil Eleksyon.

“Hindi nyo maiintindihan kasi di naman kayo taga-Olongapo,

“Hindi kayo Artist na Taga-Olongapo.

“MAY LUGAR SA AMIN NA ANG TAWAG AY PEPSI.

“MAY SARILING HAND SIGN PARA ALAM NG JEEP NA DOON KA BABABA! GANON KAHALAGA.

“at porket abogado ko si Atty. Fortun, may backer na? Ano’ng akala nyo sa akin?

“Troll na walang pera?

“AT SINO’NG NAGSABI NAGPABAYAD SIYA.

“Mali ang tanong na SINO ANG NASA LIKOD KO,

“BAKIT AKO MATAPANG, KUNDI ANO.

“Walang iba kundi ang buong katotohanan.”

AUTHOR PROFILE