Ubuan Coffee producer na si Mabini Ubuan

Pagnamnam sa ‘tamis-pait’ na lasa ng tagumpay

March 23, 2022 People's Tonight 153 views

SA nakalipas na panahon, ang Pilipinas ay kilala sa kultura ng kape. Habang ang kilusang “third wave coffee shop” ay tumutulong na buhayin ang dati nang nakalimutang industriya, iilan lamang sa mga rehiyon ang gumawa ng pangalan para sa kanilang sarili bilang mga nagtatanim ng kakaibang uri ng kape.

Inspiradong nagpartisipa ang Ilocos Sur sa maliit na listahan na bilang “grand champion” ng Philippine Coffee Quality Competition gayundin ang dalawa pang iba na top ten finishers ay pawang galing sa hilagang probinsya.

Ang 65-anyos na si Mabini Ubuan ang tinanghal na kampeon para sa kategoryang Robusta habang sina Erlinda Dao-ayan at Juana Bitongan ay nasungkit ang 6th at 9th place ayon sa pagkakasunod.

Pinuri ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson ang mga nagawa ng mga magsasaka ng kape, sa pagsasabing ang kanilang tagumpay ay patunay na ang rehiyon ay may kakayahang gumawa ng mga de-kalidad na butil ng kape na kayang makipaglaban sa pinakamahuhusay sa industriya.

“Mr. Ubuan’s second straight win only goes to show that hard work and dedication will be rewarded. He has dedicated two decades [to] his craft and his accolades are a result of his continued effort to maintain the quality of his coffee,” wika ni Governor Singson.

Sinabi pa ni Gov. Singson na ang reputasyon ng Sigay bilang “Kabisera ng Kape” ng Ilocos Sur ay karapat-dapat at umaasa siyang mabibigyang inspirasyon ang ibang mga magsasaka ng kape sa mga natamo ni Ubuan. Ni Robbie Pangilinan

AUTHOR PROFILE