
Paglipat ni ex-Mayor Lino Cayetano sa Brgy Ususan, ibinasura ng hukuman
INATASAN ng hukuman ang Commission on Election (Comelec) na huwag isama ang pangalan nina dating Mayor Lino Cayetano at kanyang maybahay sa voter registration ng Precinct No. 0926A sa Barangay Ususan, Taguig City
Sa 14- na pahinang desisyon ni Judge Mariam Biem ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153, nabigo umano ang mag-asawa na patunayan na nakatira sila sa kanilang bahay sa Brgy. Ususan na sakop ng District , anim na buwan bago ang halalan sa Mayo 12, 2025.
Nakasaad sa utos na hukuman na bagama’t nanirahan ang mag-asawa sa Brgy. Ususan noong 2022, lumipat naman sila Esensa Condominium sa Bonifacio Global City noong 2023 at bumoto sa Brgy. Fort Bonifacio noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan election
Nagpatibay din sa kautusan ng hukuman ang pagtestigo ng kanilang driver/security aide na naninirahan ang mag-asawa sa Essensa Condominium noong Nobyembre 2024, pati na rin ang testimonya ng Punong Barangay ng Ususan na hindi residente ng kanilang barangay ang mag-asawang Cayetano.
Dahil nananatili ang voter registration ni Cayetano sa District 2, hindi siya maaaring tumakbo bilang Kongresista ng District 1 maliban kung babaligtarin ng Mataas na Hukuman ang iniabas na kautusan ng Taguig RTC.
Gayunman, maaari pa ring bumuto sa 2nd District ang mag-asawa bunga ng pagiging residente nila ng Brgy. Fort Bonifacio.
Tiniyak naman ni Cayetano sa ibinahagi niyang post sa kanyang Facebook account na tuloy ang kanyang laban at naniniwalang lalabas ang katotohanan at mananaig ang demokrasya.