Salceda

Paglagda ni PRRD sa amyendadong Foreign Investment Act pinuri ni Salceda

March 8, 2022 People's Tonight 457 views

NAGPAHAYAG ng ibayong kasiyahan si House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, sa paglagda at pagsasabatas ni Pangulong Duterte ng inamyendahang ‘Foreign Investments Act’ (FIA), na ayon sa kanya ay magsisilbing daan upang ‘maging sentro ng mga bagong pasimulang negosyo ang Pilipinas sa Timog-silangang Asia.’

Bibigyan ng karapatan ng bagong batas (RA 11467) ang mga dayuhan na magnegosyo o mamuhunan ng buo sa mga lokal na negosyong malalaki at hindi kalakihan, at hahayaan ang pag-praktis ng mga dayuhan ng ilang propesyon na hindi saklaw ng umiiral na mga espesyal na batas.

Si Salceda ang may-akda ng FIA bill sa Kamara. Ayon sa kanya, maaaring gawin nitong “sentro ng mga bagong pasimulang negosyo ang Pilipinas, lalo na sa mga negosyong teknolohiya na makatutugon sa mga hamon ng pagpapataas ng ani sa agrikultura, pananalapi, pangkalusugan at iba pang mahalagang sektor.”

Pinuna ni Salceda na sa kasalukuyan, ang mga biglaang lukso sa pandaidigang ekonomiya ay malimit nagmuula sa pasimulang maliliit na negosyong kaugnay sa teknolohiya. Sa ilalim ng amyendadong FIA, maaaring magtayo ng gayong mga pasimulang negosyo sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan at dalhin nila ang kanilang mga eksperto na makapagtuturo din ng kanilang kahusayan sa mga Pilipino at makatugon sa mga problema ng ilang sector natin.

“Maaari ngang gawin ng RA 11647 na pangunahing destinasyon ang Pilipinas ng mga eksperto at tagabigay solusyon sa mga suliranin na sadyang bastante tayo. Lalong matutulungan ito kung mabibigyan ng pamahalaan natin ng mga espesyal na visa ang mga dayuhang mumumuhunan at eksperto,” gaya ng EB-1 o ‘Einstein Visa’ na ibinibigay ng USA sa mga natatanging mga dayuhang eksperto at ‘multinational executives.’ dagdag niya.

AUTHOR PROFILE