Pagkilala sa 5 bayaning Bulakenyo

September 28, 2022 Erwin Tulfo 81 views

TulfoLUBOS kaming nakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng limang recuers na nasawi habang nagsasagawa ng rescue operation sa kasagsagan ng supertyphoon Karding noong Lunes.

Ang limang resuers na sumakabilang-buhay ay nabibilang sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sila ay inanod ng malalaking alon ng floodwaters sa bayan ng San Miguel, Bulacan Province.

Tinitiyak natin na ibinibigay na ng local government units (LGUs) ang lahat ng kinakailangang assistance sa nagluluksang pamilya.

Inutos ko na rin sa ating regional Field Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipaabot ang anumang assistance sa mga naturang pamilya.

Ating napag-alaman ng may ilang pang mga personalidad na nagbigay ng tulong sa kanila upang makabangon sa trahedya.

Kinikilala at binibigyang-galang natin ang kabayanihan na tulad ng ipinamalas ng limang Bulakenyo na nag-alay ng kanilang buhay para sagipin ang buhay ng kapwa Pilipino.

Sa isang banda, nagpapasalamat tayo at hindi na nagtagal at lumabas kaagad ng Philippines area of responsibility ang supertyphoon bagaman nag-iwan pa rin ito ng P1.2 billion damages.

Ang DSWD ay nag-release na ng mahigit P22.7 million na relief assistance sa typhoon victims.

As of Sept. 28, nakapamahagi na kami ng P22.7 million worth of food and non-food items (FNIs) na dagdag tulong sa mga LGUs.

Bagaman hindi ito panahon ng pagtuturu-turuan ng sisi, mahalagang maipaalala ulit sa ating lahat ang masamang dulot ng pagkasira ng kagubatan sa kabundukan na siyang pangunahing dahilan ng mga flashfloods sa kapatagan.

Iyang pagkakalbo ng kabundukan ang nagpapalala sa masamang epekto ng climate change.

Kung iisipin, ang pagpo-protekta at konserbasyon ng kalikasan ay isang naaakmang paraan para kilalanin at bigyang-papuri ang kabayanihan ng limang Bulakenyo at iba mga naunang rescuers nag-alay ng kanilang buhay para sa atin.

Iyan nga ang mensahe na ipinaabot ni Pangulong President Fedinand Bongbong Marcos, Jr. sa kapulungan ng United Nations General Assembly noong nakaraang linggo kung saan sinabi dapat magtulung-tulungan ang mga bansa laban sa climate change.

Dapat nating seryosohin ang isyu na ito dahil ang maapektuhan nang husto ay ang mga anak natin at mga darating na henerasyon.

AUTHOR PROFILE