Pagkaso sa Laguna cops patunay na seryoso si Eleazar na linisin ang bulok sa PNP

July 10, 2021 People's Tonight 309 views

Marlon PurificationHINDI nag-aaksaya ng panahon si PNP chief, Police General Guillermo Eleazar sa pagpapatunay na hindi nila kinukunsinti ang anumang iregularidad na kinasasangkutan ng kanilang miyembro.

Katunayan, mismong si Guillor pa ang nag-anunsiyo sa pagsasampa ng kasong homicide laban sa mga miyembro ng Laguna Police na sangkot sa anti-illegal drug operations na ikinasawi ng isang teenager.

“This is proof that the PNP will not shield its personnel. Kung may akusasyon, imbestigahan at sampahan ng kaso kung kinakailangan. I have repeatedly said that I will not tolerate police abuse in the organization,” pahayag ni Eleazar.

Ayon naman kay Police Regional Office 4-A chief, BGen Eliseo Cruz, 10 tauhan ng Laguna Police Provincial Office ang sinampahan na ng kaso kaugnay sa pagkamatay ni Jhondie Helis, 16-anyos sa police operation.

Kabilang sa kinasuhan ang pinuno ng team of operatives mula sa Laguna PPO Intelligence Branch na si Police Capt. Fernando Credo, batay sa complaint-affidavit ng ina ng biktima.

Nakiusap din si Eleazar sa pamilya ng biktima at ang publiko na bigyan ng pagkakataon ang korte na magdesisyon sa reklamo.

“For now, hayaan nating gumulong ang kaso ng mga pulis na kinasuhan at hintayin natin ang magiging resolution nito. Let us allow the City Prosecutor to appreciate the submitted evidence and facts of the incident,” din ng PNP Chief.

Kasabay nito, pinuri naman ni Eleazar si General Cruz at buong CALABARZON Police Regional Office dahil sa mabilis nilang pag-aksyon sa kaso.

Matatandaang umani rin ng iba’t ibang batikos ang PNP dahil sa pagkamatay ng teenager sa gitna ng laban sa kontra droga.

Ani Guillor, dapat manatiling magtiwala ang ating mga kababayan sa pambansang pulisya.

Hindi aniya porke may napapaulat na pang-aabuso mula sa kanilang hanay ay buong PNP na ang gumagawa nito.

Dahil tulad ng ipinangako niya kay Pangulong Duterte at sa taumbayan, sisikapin niyang malinis ang kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Sa mga tauhan ng pulisya, sinabi ni Eleazar na wala rin dapat silang katakutan sa pagganap ng tungkulin. Basta gawin nila nang tama ang sinumpaang trabaho, walang dahilan upang sila’y kastiguhin ng bagong pamunuan ng pambansang pulisya.

“Gawin n’yo ang trabaho n’yo nang maayos at irespeto natin ang karapatan ng ating mga kababayan, mahirap man sila o mayaman,” sabi pa ng magiting na heneral

DYNASTY REAL CLUB SA PARANAQUE, BUKAS NA?

Samantala, gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito upang ipaalam kay Gen. Eleazar ang diumano’y pagbukas ng isang beerhouse sa lungsod ng Paranaque.

Sunud-sunod na reklamo kasi ang ipinararating sa “Uncovered,’ dahil kahit bawal pa ay bukas na raw ang Dynasty Real Club sa lungsod.

Katabi lang ang naturang club ng Baclaran Church sa Roxas Boulverad kaya imposibleng hindi ito mapansin ng lokal na pulisya na pinamumunuan ni Police Colonel Maximo Frial Sebastian, Jr.

Imposible ring hindi ito makarating sa radar ni Brig. Gen. Jimili Lopez Macaraeg dahil baka pinaiikutan na sila ng kanilang tauhan.

Ang modus operandi umano sa naturang club ngayon ay hindi magbubukas ng ilaw sa labas ng kanilang establisimento, pero sa loob ay puno na sila ng parokyano na hindi napapatutupad ng maayos ang minimum health protocol.

Bukod dito, walang humpay na naisisilbi ang beer, alak at sigarilyo, gayundin ang pagpapa-table ng mga babaing wala umanong health at working permit.

Ang masaklap, may nagaganap rind daw ‘quickie sex,’ bagay na dapat ipaliwanag ng may-ari ng Dynasty Real kung totoo ang report na ito o hindi.

Alam nating lahat na dahil sa pandemya, bawal pa ang ‘leisure activities’ lalo ang beerhouse o nightclub kaya tayo na mismo ang nananawagan kay Gen. Eleazar na ipa-check ang nasabing sumbong dahil bukod sa PNP, nababalewala na rin ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Alam kong magkakaroon ng aksiyon tungkol dito ang magaling, masipag, matapang at tapat na Chief PNP.

Baka kasi, may kumikita na namang scalawag na pulis para lamang makapag-operate ang isang establisimento kahit bawal pa!

Ano rin kaya ang comment dito ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez?

AUTHOR PROFILE