Pagkakaroon ng lovelife, gustong ma-achieve ni Alden ngayong 2021

June 23, 2021 People's Tonight 501 views

TATLONG bagay na may kinalaman sa personal na buhay, sa career at sa lovelife ang gustong ma-achieve ni Alden Richards ngayong 2021.

Ibinahagi ito ni Alden sa interview sa kanya ni Cassy Legaspi sa recent episode ng Sarap, ’Di Ba? Bahay Edition.

“Build my own house, do an international project and find that someone,” pahayag ni Alden.

Tumanggi ang Asia’s Multimedia Star na sabihin ang pangalan ng special someone niya.

“Pero kilala ninyo siya kung sino siya. Sabi niya, kung anuman ang nasimulan ko, ituloy ko lang kasi I am on the right track. Alam mo ‘yan kung sino ka, thank you,” saad pa ng host-actor.

Sa priorities sa buhay ni Alden, after ng pamilya, priority rin niya ang kanyang career kaya kahit marami na ring achievements, eh, nasa backseat ang kanyang personal life.

Mapapanood muli si Alden sa GMA Telebabad sa bago niyang series na The World Between Us kung saan kasama niya sina Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

Mahiwaga talaga si Alden pagdating sa kanyang personal life, huh!

REST IN PEACE, SHALALA

ShalalaPUMANAW na ang komedyanteng host na si Shalala o si Carlito Reyes sa tunay na buhay.

Kung hindi kami nagkakamali, si Kuya Germs o German Moreno ang nagbansag sa kanya bilang “Shalala” at nakasama niya sa defunct nitong variety show.

Bago ‘yon, nagsimula si Shalala bilang TV promo coordinator ng movies.

Sa nakuha naming impormasyon, cardiac arrest ang ikinamatay ni Tolits matapos ma-confine sa ospital.

Rest in peace, Shalala…

Condolences to his family (Rest in peace. Taus-pusong nakikiramay ang People’s Tonight. — IFF). Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE